“Kaibigan”
Sa bilyon-bilyong tao sa mundo
Suwerte mo kung makatagpo ka ng taong totoo
‘Yung kaibigan na bubuo hindi lang sa araw mo
Kun‘di sa iyong pagkatao.Magkapatid ang turing sa isa’t-sa
Nagkakasundo sa lahat ng ginagawa
Sa pinakamasasayang alaala
Sila ang laging kasama.Madalas mang may hindi pagkakaintindihan
Mas mabilis pa sa alas-quatro kung solusyunan
Sa pagkakaibigan, ayaw ng may gusot
Dahil hindi uso sa kanila ang salitang lungkot.Nagdadamayan sa problemang pasan niyo
Kaya kung minsan parang masisiraan na ng ulo
Kahit anumang pagdaanan nila sa buhay
Hinding-hindi sila maghihiwalay.Limang saknong ay hindi sapat
Para masabi ko kung gaano akong nagpapasalamat
Kaya kung sino ka mang nagbabasa nito
Sigurado akong isa ka sa mga kaibigan ko, pangako.