“Kalimutan”
Salitang madaling bitawan
Pero mahirap panindigan
Lalo na kung ang gusto mong kalimutan
Ay ang taong minahal mo nang lubusan.
Salitang ginawa niya nang walang kahirap-hirap
Mga alaala’y kinalimutan sa isang iglap
Ngayon, ‘di ka niya matingnan kahit isang sulyap
Kinalimutan ka na niya, huwag ka nang mangarap.