“Malikmata”
Isang normal na araw, walang kakaiba
Nakadungaw sa bintana habang binabagtas ang kalsada
Naaninag ang isang pamilyar na mukha
Sinundan ng tingin hanggang mawala.
Habang nakatuon ang pansin sa iyo
Labis ang kabog ng dibdib ko
Nagdadalawang-isip kung bababa at hahabulin ka
Ngunit paano kung ako’y namamalikmata lang pala.