“Limang Siglo”
Ni minsan hindi sumagi sa aking isipan
Akala ko sa panaginip lang mararanasan
Ang makita ka sa panahong kasalukuyan
Isang pangyayaring hindi mo inaasahan.Labis ang pangungulila sa isa’t-isa
Kaya nang tayo’y magyakap, hindi na mapaghiwalay pa
Laking pasasalamat ko sa tadhanang mapaglaro
Pagkat tayo’y pinagkalooban ng panibagong yugto.Ang nakaraan at mga alaalang naipon noon
Tila dala-dala pa rin natin hanggang ngayon
Walang nakalimutan o nakaligtaan
Kahit pa ang masalimuot na pinagdaanan.Kung sa unang apat na siglo, walang pinagbago
Hindi ka naipaglaban at sa pagsubok ako’y sumuko
Pinapangako kong hindi na kita muling bibiguin
Sana ang tadhana’y umayon na sa atin.Ngayon ang pagkakataon para patunayan ko sa iyo
Tunay at walang hanggan ang pag-ibig ko
Hindi sasayangin ang bawat oras, minuto at maging segundo
Panahon na para maitama ang lahat makalipas ang limang siglo.