“Walang Patutunguhan”
Habang naglalakad, napatigil na lang bigla
Sa tindig pa lang, kilala na kita
Dahan-dahang umatras para hindi makita
Nilingon mo ako’t hinabol mo nga.
Takbo lang ako nang takbo
Hinihingal at nangangatog ang tuhod ko
Ang hirap talaga kapag hinabol ka ng aso sa daan
Walang masaklolohan, walang patutunguhan.