*H*

44 14 0
                                    

“Hindi Ko Alam”

Ang kisig talaga ng lalaking ito
Nakasandal siya sa may pinto
Animo’y naghihintay sa paglabas ko
Kasi nga hatid-sundo niya ako.

Ang bag ko’y kinuha niya sa balikat ko
Alam kong sa kantina kami didiretso
Pati sa pagkain ko’y todo asikaso siya
Kaya nginingitian kami ng mga nakakakita.

Napakasuwerte ko talaga sa kaniya
Simpleng sakit lang kasi, nag-aalala na siya
‘Yung pakiramdam na ayaw ka niyang mawala
Dahil iyon marahil ang hudyat ng katapusan niya.

Ang katagang “Mahal kita.”
Na may kasamang yakap pa
Halik sa noo at pisngi, pati sa labi na rin
Mga ginagawa niyang pagpapakilig sa akin.

Isang araw, nais kong maging malinaw na
Kaya hindi na nagpaligoy-ligoy pa
“Ano ba tayo?” tanong kong may bahid ng kaba
“Hindi ko alam,” kalmadong sagot niya.

Random PoetryWhere stories live. Discover now