*T*

24 6 0
                                    

“Tunog ng Kampana”

Napakagandang sikat ng araw sa umaga
Ang bumungad sa aking bintana
Hindi ko namalayan, oras na pala
Para isuot ko ang aking traje de boda.

Habang iniisip ko ang mangyayari mamaya
Magkaakibat ang tuwa at saya, pati ang kaba
Nakatitig sa repleksiyon ng aking sarili
Gumuhit ang ngiti sa aking labi.

Nang maihatid na ako sa simbahan
Nagsimula na akong kabahan
Habang naglalakad, nagdadasal
At sa altar, nakita ko ang lalaking aking pinakamamahal.

Nagsimula ang seremonya
Nagpahayag ng pangako sa isa’t-isa
Isinuot ang mga singsing sa daliri
At sa pahintulot ng pari, naglapit ang mga labi.

Kakaibang saya at galak ang nadarama
Kasabay ng tunog ng kampana
Na nagpabalik sa akin sa ulirat
Imahinasyon lang pala lahat.

Random PoetryWhere stories live. Discover now