RPLL: 48

21 4 0
                                    

“5-1=0”

Tol, Bes, Beshie, Par, Pards, Bal, Man

Iba-iba ang katawagan sa salitang kaibigan

Paano mo nga ba masasabing kaibigan mo sila?

Sa ugali? Sa itsura? Sa amoy? Saan nga ba?

Kaibigan? Kung susumahin, marami na ako niyon

Mas marami pa kaysa sa aking ipon

Hindi ko kailangan ng maraming kaibigan sa buhay

Sapat na sa ‘kin kahit kaunti, basta tunay.

Katulad ng apat na lokarets na kilala ko

Mula sa kaibigan, itinuring ko nang mga kapatid ko

Sa halos lahat ng bagay, kamiy magkakasama

Nakakapagtakang sa mukha ng bawat isa’y hindi kami nagsasawa.

Sa libu-libong kakilala ko sa mundong ito

Sa daan-daang kaibigan ko

Kayong apat ang pinakaespesyal sa puso ko

Yieee! Kinilig naman kayo!

Random PoetryWhere stories live. Discover now