“Tala”
Nakatingala sa maliwanag na kalangitan
Namamangha sa mga tala at buwan
Biglang tumulo ang luha nang di-inaasahan
Ang lamig ng hangin, may dampi ng kalungkutan.
Nasisilaw at patuloy na napupukaw sa ‘yo
Pero hanggang tingin na lang talaga ako
Hanggang pangarap na lang na sana maabot ko
Ang isang napakalayong talang tulad mo.