“Tula”
Matatalinghagang salita sa bawat saknong
Mga hinahanap na kasagutan sa mga tanong
Malalalim na salita at mga kataga
Ang ipinababatid ay iisa.
Nararamdaman ko sa ‘yo ay parang tula
Naguguluhan ako sa simula
Ngunit dahil paulit-ulit na inuunawa
Ako’y naliwanagan na, “Oo, mahal kita!”