*Y*

25 7 0
                                    

“‘Yun Lang”

Malapit na ang concert ng EXO
Kaya nag-ipon ka ng pambili ng VIP ticket mo
Hindi ka makapaniwala kung nangyayari talaga ito
Kinurot mo ang sarili mo’t nasaktan ka, kaya totoo!

Siyam na lalaking pandesal ang tinapay
Sapat na para sa suplay buong buhay, hayahay!
Sa stage, sumasayaw sila, pinagpapawisan pa
Kaya mga tagahanga’y todo hiyaw, ‘yung iba, tulo laway pa.

Habang kumakanta’y nagkakawayan
Nakikisabay sa kanta kahit hindi maintindihan
Hawak ang phone, bawat anggulo, sila’y kinukunan
Pustahan tayo, full storage bagsak niyan.

Hindi niyo namalayang tapos na, nagpapasalamat na sila
Sa lahat ng fans na walang sawang sumusuporta
Lahat kayo nag-iiyakan na, dinaig pa’ng may lovelife
Sigaw ng lahat, walang katapusang “EXO for life!”

Ipinikit mo ang mga basang mata
Pagdilat mo nasa harapan mo na sila
Yayakapin mo na sana nung mapagtanto mong poster lang
Ang saklap! Simula’t sapul, panaginip lang ang lahat! ‘Yun lang!

Random PoetryWhere stories live. Discover now