“Mahal Kita”
Salitang ipinagdamot ko sa iba
Ngunit sinayang ng taong minahal ko nang sobra
Itinapon niya na parang walang halaga
Hindi niya alam, labis akong nasakta sa kaniyang ginawa.
Oo, dalawang salita lang iyan
Pero malalim ang katumbas na kahulugan
Siyam na letrang ibinigay ko noon
Magsisi ka’t hindi mo na ‘yan maririnig ngayon.