“Katapusan”
Ang araw, lumulubog kasi pagabi na
Nagpaparamdam, nagpapakita pero biglang mawawala
Ang baso, nababasag kaya tinatapon na
Nagtatagal pero hindi magtatagal, nasisira.
Ang kanta natatapos kaya nalalaos na
Nananatili pero hindi panghabangbuhay
Ang kuwento naluluma kasi may bago na
Nakakalibang pero nakakaumay.