“From the Word Itself”
Kahit minsan ba naisip mo
Ang posibilidad na maging tayo?
Ilang taon na akong umiibig nang palihim
Bakit kasi laging siya lang ang iyong napapansin?
Ilang taon pa man, hihintayin kita
Ganon ako kadesidido, kasi mahal kita
Akala ko pagbalik mo, maaamin ko na sa ‘yo
‘Nyeta naman, huli na pala ako.