Another kick landed on the challenger's waist but the guy still managed to stay on his feet.
"Sige na Ellis, tapusin mo na yan!" Narinig niyang sigaw ng isang lalaki
"Patumbahin mo na yan!" Sigaw ng isa pa.
"Bigyan mo ng isang malakas na suntok para tapos na ang laban!!" At sigaw pa ng ibang naroon.
He didn't gave a damn care to what the people around him was yelling. He was just focusing on his fight. He needs to win this.
Muli niyang itinaas ang paa para masipa ito sa mukha. Sunod sunod ang naging pagsugod niya, suntok, sipa at tuhod.
He's in a middle of a street fighting and he was the all time favorite of the crowd because he was still the undefeated champion.
He started to be a fighter when he was fifteen. And his first win was just a luck.
It was an easy money for a teenager like him, five thousand each fight he wins.
Dito niya kinukuha ang panggastos niya sa araw araw, dahil wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili lamang.
Ipinanganak siya sa isang ordinaryong pamilya. Ang ama niyang si Elton ay may lahing banyaga ngunit sa Pilipinas na lumaki. Namana niya ang itsura at pangangatawan sa ama.
Ang kanyang ina ay galing sa pamilya na mangingisda ang ikinabubuhay. Sa bayan ng Bolinao, Pangasinan siya ipinanganak, nagka-isip at lumaki.
Parehong nagsisipag sa pagtatrabaho ang mga magulang niya para maiahon sila sa kahirapan.
Ang ama niya ay mangingisda samantalang may pwesto ang ina sa palengke at doon itinitinda ang mga huli nila.
At dahil nag-aral din ang ama ng abogasya ay miminsang kinakausap ito ng mga ilang tao para humingi ng mga legal advice.
Sinunggaban din ng ama ang libreng training sa mga nais maging pulis sa kanilang bayan. Gusto nito maging ganap na NBI agent pagdating ng panahon.
Kahit hindi marangya ang buhay nila ay masaya at kontento naman sila. Ni minsan ay hindi siya humiling ng kung anu mang bagay sa mga magulang dahil hindi siya maluhong bata.
Akala niya habang buhay na silang masaya ngunit may darating pala sa buhay na susubukan ang katatagan niya.
Binawian ng buhay ang kanyang ina dahil sa sakit na pneumonia noong siya ay pitong taong gulang. Kinaya nilang mag-ama na mamuhay na silang dalawa lamang.
Tumutulong siya sa pangingisda kapag walang pasok ang ama sa presinto.
When he reached highschool he was transferred to a private school. He became popular because of his looks and his academic excellence.
Nagsipag siya sa pag-aaral dahil gusto niyang maging proud ang ama sa kanya.
Magaling na NBI agent ito at madalas na nadedestino ito sa Maynila. Ang kapit bahay at kaibigan ng ama na si Ka Andres ang ipinaghahabilinan sa kanya, habang wala ito.
But another tragedy left him hanging.
Napatay ang ama habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa isang kaso.
Hindi niya alam kung paano pa siya mabubuhay gayong wala nang pareho ang mga magulang niya.
He was barely fifteen and he was already an orphan.
Mabuti na lang at kinupkop siya ng matandang dalaga na pinsan ng ina. Ngunit dahil sa may San Ignacio ito nakatira ay wala siyang nagawa kung hindi ang sumama rito.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...