Chapter Fifteen

5.4K 167 14
                                    

Silence is so freaking loud!

Ivy shouted inside her mind.

It was another awkward moment for the four of them as they were walking beside the seashore.

Kahit silang magkambal ay hindi na nagawa pang magsalita o magbukas ng mapag-uusapan para mawala ang tensyon sa pagitan ng lahat.

Sa totoo lang ay ayaw na sana niyang sumama pa dahil sa sinabi ni Ellis sakanya kanina. Siya na naman ang nakita nito at inunahan na agad siyang sitahin kahit hindi pa naman nito alam kung ano ang pwede niyang gawin.

Oo at namuhay sila nang marangya at hindi sila sanay sa kahirapan pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi niya kayang mag-adjust o makisama sa sitwasyon. At mas lalong hindi siya bastos na tao para ipakita sa iba na hindi niya gusto kung sakali man ang mga pagkaing ihahain. Marunong siyang maka-appreciate at tumanaw ng pasasalamat sa mga taong tumutulong sa kanya.

Pagkarating nila sa bahay nina Ka Andres ay mainit silang sinalubong ng matanda at ng may bahay nitong si Aling Lucresia.

"Kumakain ba kayo ng kinilaw na isda?" Tanong ng ginang. "Iyon kasi ang specialty nitong si Andres eh."

"Sige ho, titikman namin lahat." Sagot ni Avi at tumingin pa sa kanya.

Nag-aalala siguro ang kapatid niya sakanya kasi mas maselan siya sa pagkain dahil nga sa isa siyang modelo. Alam nito na ang katawan ang puhunan niya sa trabaho kaya't kahit hindi sila parehong tabain ay kailangan niyang maghinay hinay pa din sa pagkain ng kung anu-ano.

"Hindi pa po ako nakakakain ng kinilaw." Nakangiti niyang wika.

"Aba'y mapapa-ibig ka kapag natikman mo, iha. Kaya nga na-inlove sa akin itong si Lucresia eh." Si Ka Andres na inakbayan pa ang asawa.

"Asus tumigil ka na nga dyan Andres!" At itinulak pa ng ginang ang asawa. "Halina na tayo sa hapag at nang makakain na habang mainit pa."

Iniabot na din nila ang dalang cake habang iginaya sila sa hapagkainan na maraming pagkain sa ibabaw.

"Wow, para pong may fiesta rito ah." Sambit ni Avi.

"Ay siyempre, ngayon lang ulit nagawi rito si Ellis eh. Paborito niya itong kinilaw ko at ang sinigang na hipon na sobrang asim." Si Ka Andres.

"Mukhang mapaparami ata ako ng kain ah, halos lahat ng pagkain ay paborito ko. Tanda niyo pa rin po pala?" Ani Ryder na nakangiti.

Napangiti siya dahil sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng binata. Bibihira lang niya itong makitang ngumiti, dahil palagi siyang sinusungitan nito. Kay Avi at sa ibang malalapit na tao lamang nakareserba ang ngiti nito maliban sa kanya.

"Siyempre naman! Hindi namin makakalimutan ang mga paborito mo. Eto nga at ginawan pa kita ng maja blanca." Wika ng isang malamyos na boses kaya't napalingon silang lahat roon.

Isang hindi katangkaran na babae ang nakangiting nakatayo sa may hamba ng kusina. May bitbit itong isang maliit na bilao. Tuwid at itim ang buhok nito na may katamtamang haba. At ang pagiging morena nito ay bagay na bagay sa maamong mukha nito. Maganda ang dalaga at mukhang matanda lang ito ng ilang taon sa kaniya.

"Lucia!" Bulalas ni Ellis at nilapitan ang babae para yakapin.

Hindi niya napigilan ang bumusangot dahil sa nasaksihan. Kanina ay ang kakambal niya, ngayon naman ay ang Lucia na ito naman ang kayakap ng binata habang nakangiti. Hindi niya talaga maintindihan bakit bukod tangi siya lang ang hindi nakakaranas ng ganoon mula sa lalaki.

Umiwas na lang siya ng tingin para hindi na siya maapektuhan pa pero kumunot naman ang noo niya nang makitang nakangiti na parang nang-aasar ang kakambal niya sa kanya.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon