Chapter Ten

5.6K 172 4
                                    


This Ellis Crawford will be the death of me!

That was the last message she sent to her sister last night. This man will definitely be the cause of her death because he literally made her blood boil.

Why does he always have to make her feel bad about herself? She knows that he likes her twin so much but why does he hate her too damn much?

Hindi ba pupwedeng magkaroon man lang ito kahit kaunting amor sa kanya dahil sa kakambal niya ang babaeng mahal nito. Hindi naman niya naging kasalanan na magkamukha sila ni Avi para mainis ito sa kanyang trabaho at mga ginagawa.

Kung ang nangyari noon ay ang dahilan pa rin ng galit nito sa kanya ay natatandaan niya na wala naman siyang naging kasalanan roon. Ito ang nagkamali nang mapagkamalan siya nitong si Avery. Hindi naman niya sinasadya na mapahiya ito noong araw na iyon, dahil kahit siya ay nalito sa pangyayari.

At kung ang isa pa nitong ikinagagalit ay noong naki-usap itong kausapin si Avery bago sila umalis papuntang US ay hindi rin naman niya kasalanan iyon. Sumusunod lang siya sa gusto ng mga magulang niya at sa kagustuhan na rin mismo ng kapatid niya. Masyadong magulo ang sitwasyon noon at nahihirapan ang kakambal kaya't ayaw na rin niyang dagdagan pa iyon ng pagpayag sa pakiusap ng binata.

Those incidents that happened before, was it too much to handle for you to still hate me like this?

Tanong niya sa sarili habang nag-aayos na siya sa harapan ng salamin sa kanyang kwarto. Ipinilig na lang niya ang kanyang ulo para itigil na ang mga gumugulo sa kanyang isipan dahil kailangan na niyang magmadali.

May isa pa siyang cover shoot ngayong araw para sa FHM International dahil kasali siya sa top one hundred sexiest women in the world. She was named as the top three and she'll also be the cover of the FHM USA.

Isang karangalan ang mapasama siya sa ganoong klase ng listahan ng mga pinakamagagandang dilag sa buong mundo. Kaya kahit delikado pa rin ang buhay niya ay kinakailangan niya magpunta sa studio para tapusin ang trabaho niya.

Paglabas niya ay nagkakape ang binata sa kusina. Mukhang bagong ligo na rin ito at nakasuot na ng puting t-shirt at maong na pantalon habang nakakunot ang noo sa kanya.

"Where are you going?" Tanong nito.

"Work." Simpleng tugon niya at pagkatapos ay naglakad na sa may pinto. "Now if you're done with your coffee then let's go. I don't want to be late with my appointment today." Seryosong sabi niya.

Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob niya dahil sa mga sinabi nito sa kanya kagabi.

Tumango naman ang lalaki at ilang segundo lang ay isinampay na nito sa balikat ang leather jacket at sumunod na rin ito sakanya palabas ng kanyang unit.

Sakto naman nang pasakay na sila ng elevator ay napasabay sa kanila ang kapit bahay niyang si Jason.

"How are you, Babe?" Tanong nito sa kanya.

Ngayon lang ito gumamit ng ganoong endearment sa kanya pero hindi na niya iyon pinansin pa.

"I'm fine Jay. Still busy with work and everything else." Sagot niya sabay ngiti rito.

"I see." Anito at seryosong tiningnan ang kasama niyang binata. "New boyfriend?"

"No. He's my bodyguard."

"Bodyguard? What for? Why did you need to hire one? W-was there something wrong?" Sunod-sunod na tanong nito.

Tila nakuha nito ang interes ng kasamang binata.

"Why do you want to know why she hired a bodyguard?" Seryosong tanong naman din ni Ellis.

"I am just concerned about her, that's all. Coz she never lets a man sleep inside her place."

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon