Chapter Twenty One

5.8K 184 9
                                    

Ivy started her morning with a big smile on her face. Everything seems right and light as a feather. She had never felt this good for a very long time. This was the feeling she's been wanting her whole life- happy and contented.

But it also scares her at the same time. Knowing that anytime, this will all be gone in just a blink of an eye. So she'll make the most out of it while it lasts. She'll love him until he'll let her.

Kasalukuyan siyang naglilinis ng bahay, habang hinihintay ang pagbalik ni Ellis mula sa pangingisda. Maaga itong umalis kasama sina Ka Andres at Andoy para pumalaot sa dagat.

Nagpaalam ito bago umalis at pakiramdam niya ay para na silang tunay na mag-asawa. Doon na rin siya natulog sa kwarto nito dahil halos magdamag na namang sila nagbakbakan.

Iba na talaga ang trato sa kanya ng binata simula ng kamuntik na siyang malunod at nang may mangyaring muli sa kanila. Palagi na itong nakangiti sa kanya at mas sweet na rin ito ngayon.

Kahapon nga ay inakala niyang magagalit ito sa kanya pagkatapos ng mga sinabi niya sa kay Lucia. Nagmamadaling umalis ang dalaga na halatang naasar sa kanya pero hindi ito pinigilan o hinabol man lang ng lalaki. Bumalik pa ito sa paglantak sa chocolate cake na ginawa niya at pagkatapos ay maghapon lang silang literal na nagkulong sa kwarto.

Pagkatapos niyang maglinis ay nagluto na rin siya ng para sa pananghalian nila nang nagpunta si Irma para ayain siyang salubungin sina Ellis sa may pampang.

Sumama naman siya at nakita niyang naroon na rin ang maginang Nay Lucresia at Lucia. Ni hindi siya magawang tingnan ng dalaga, marahil ay naaasar pa rin ito sa kanya dahil sa mga sinabi niya kahapon.

Ilang minuto lang ay tanaw na nila ang bangka kung saan lulan ang tatlong lalaki.

Pakiramdam niya ay mga asawa sila na hinhintay ang kanilang mga mister na galing sa pangingisda.

Nang dumaong na ang bangka ay isa-isa na nagsibaba ang tatlo. Si Aling Lucring ay nilapitan ang asawa at pinunasan ng pawis gamit ang dala nitong tuwalya. Si Irma naman ay hinagisan lang ng tuwalya si Andoy at hinayaan itong magisang magpunas ng sariling pawis.

Siya naman ay lalapit na rin sana kay Ellis subalit naunahan siya ni Lucia. Agad nitong pinunasan ang binata gamit ang dala dala nitong tuwalya. Napahigpit naman ang hawak niya sa dalang tuwalya at sa extrang t-shirt na nasa kamay.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang umalis na lang o lalaban siya ng patas.

But she's a Krause, a fighter and they never back down. Tama na ang pagpaparaya, dapat nang lumaban at angkinin ang para sa kanya.

Lumapit na din siya sa kay Ellis at inabutan ito ng dala niyang malamig na tubig.

"Here." Sabay abot ng bote ng tubig. "You might be thirsty."

"Thank you." Anito nang tanggapin ang tubig.

Agad naman nitong nilagok ang tubig at ang natira ay ibinuhos pa nito sa mukha para ihilamos at siguro'y malamigan rin.

Inunahan niya si Lucia sa pagpunas sa mukha nito at siya pa ang nag-angat ng t-shirt nito para mahubad iyon.

"Magpalit ka na ng damit para hindi ka matuyuan ng pawis." Aniya sabay sulyap saglit kay Lucia na inirapan pa siya.

Sinunod naman siya ng binata na hindi napapansin ang tensiyon sa pagitan nilang dalawang babae.

"Kayo na lang ni Andoy ang maghatid nito sa palengke, Ellis." Wika ni Ka Andres kaya't napalingon sila sa matanda. "At mauuna na kaming umuwi ni Lucring. Sa bahay na din kayo mananghalian."

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon