Weeks have passed and they both enjoyed their time together. They were living like they were in a relationship already and it felt so real. But neither one of them wants to talk about the real score between them.
Sa totoo lang ay naguguluhan pa rin siya sa nararamdaman niya hanggang ngayon para kay Ivy. Hindi lang tawag ng laman ang gusto niya mula rito pero hindi rin niya alam kung may pagtingin na nga ba siya rito.
His mind keep on telling him that he should be loyal to his feelings towards Avery. But deep inside him, he knows that something has changed but he doesn't want to acknowledge it.
Maaga siyang umalis ng bahay para mangisda at iniwan niya si Ivy na mahimbing na natutulog. Masarap sa pakiramdam na para silang mag-asawa at naaalala niya na ganito ang naging buhay nila noon ng mga magulang niya.
Iyong aalis din ang ama at maiiwan silang mag-ina sa bahay at maghihintay sa pagbabalik nito. Sa mga araw at linggong lumipas ay nakita niya ang pagiging simple ng dalaga. Mukhang kaya nga nitong mabuhay sa ganitong kasimpleng lugar at bumuo ng sariling pamilya.
Pero sa tuwing iisipin niya na silang dalawa ang magkakatuluyan ay biglang sisingit sa isip niya si Avery. Kaya't hanggang ngayon ay gulong-gulo ang isip niya roon.
Marami-rami ang mga nahuli nila sa unang lambat na iniahon.
"Tiba-tiba na naman tayo mamaya nito sa palengke." Ani Andoy habang tinatanggal na ang mga ibang isda na nasa lambat pa.
"Oo nga. Kapag kasama talaga natin itong si Ellis ay marami tayong huli palagi." Wika naman ni Ka Andres. "Ganyang ganyan din noon kapag sabay kaming pumapalaot ni Elton." Tukoy nito sa kanyang ama.
"Magaling ho talaga si tatay sa pangingisda. Wala pa ako sa kalahati ng kakayahan niya." Sagot naman niya.
Tinabihan naman siya ng matanda sa may gilid ng bangka.
"Malaking malaki ang pagkakatulad mo sa iyong ama, Ellis. Bukod sa pangingisda ay nakuha mo ang determinasyon niya sa mga bagay na ginagawa. Hindi rin siya basta basta sumusuko kahit na delikado pa ang ginagawang trabaho."
"Kaya nga naging idolo ko siya, at kaya din sinikap kong maging gaya niyang isang NBI agent." Aniya habang nakatanaw sa malawak na karagatan.
Hindi pa sumisikat ang araw kaya't madilim ang paligid. Tanging lampara lamang ang ilaw nila roon sa gitna ng dagat.
"Kaya nga alam ko na ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo dahil sa narating mo. Natupad mo ang pangarap mong maging isang magaling na NBI, lalo na at marami kang natulungan na mga tao." Sabay tapik sa kanyang balikat. "Pero nagtataka ako kung bakit ka umalis sa serbisyo at lumipat sa pagiging security agent?" Tanong nito.
Walang nakakaalam ng totoo niyang trabaho dahil sekreto ang kanilang organisasyon. Pinagbabawalan silang magbigay ng kahit anong impormasyon tungkol roon at sino man ang susuway ay siguradong mapaparusahan.
"Mas malaki kasi ang sahod at mas marami akong natutulungan. Nakakapunta pa ako ng iba't ibang bansa." Pabiro niya sagot para makaiwas sa seryosong paguusap.
"Pero mas marangal ang pagiging alagad ng batas hindi ba? At iyon ang pangarap mo noon pa."
"Ang totoong pangarap ko ho ay ang makatulong sa mga nangangailangan ng tulong. At maipagtanggol ang mga naaapi."
Mukha namang kumagat ito sa sagot niya dahil tumango ito.
"Basta ba mag-iingat ka palagi sa mga kasong nakukuha mo ha. Alam mong delikado na ang panahon ngayon, kahit pa isa kang magaling na agent ng- ano nga pala ulit ang pangalan ng ahensiya ninyo?"
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...