Chapter Twenty Three

5.4K 198 13
                                    

She was getting used to this kind of life, living under a same roof with him for weeks was incredible.

She almost forgot the reason why they were here on the first place. And her fears were slowly fading away because of him. She doesn't care if she will not go back to her old life. She wouldn't exchange the glamour life she grew up with to a simple life she have with him right now. This life with him is where she belongs, and she ought to stay this way.

Nagmamadali siya dahil kailangan niyang hintayin si Ellis at salubungin ito sa may pampang. Nakasanayan na niya ang hintayin itong dumaong mula sa pangingisda nito.

Kabisado na niya ang oras ng daong nito kaya nagtaka siya nang natanaw na niya agad ang bangka sa may pampang. Agad siyang napatakbo papunta roon.

Paglapit niya ay ang mag-amang Ka Andres at Andoy lamang ang naroon at si Irma pero wala ang binata.

"Magandang araw ho sa inyo," bati niya sa tatlo. "Nasaan ho si Ellis?" Tanong niya habang lumilinga sa paligid.

Sabay sabay din naman siyang binati pabalik ng mga ito.

"Naglalakad lang papunta roon kasama ang kapatid ko." Sagot ni Andoy sabay turo sa kabilang dako ng daan.

"Magkasama sila ni Lucia?" Nagtatakang tanong niya.

Bumaling naman din sa kanya ang matanda.

"Huwag kang mag-alala Ivy, nag-uusap lang naman ang dalawa. Para matapos na at magkalinawan na rin." Ani Ka Andres na ikinalito niya.

Dumating na ang ama ni Irma na si Mang Caloy at inaya na si Ka Andres papuntang palengke.

Nagpaiwan na lang din si Andoy para ayusin ang kanilang bangka habang tinutulungan ito ni Irma. Samantalang siya ay hindi mapakali roon kaya't nagpaalam siya sa dalawa na maglalakad lang din habang hinihintay si Ellis.

Napalayo na rin ang paglalakad niya at nasa lugar na siya na hindi gaanong dinadaanan ng mga tao. Nakita niya ang isang abandonadong bahay, hindi naman siya matatakutin sa mga multo pero naisip pa rin niya na baka kung may masasamang taong naroon ay maaari siyang mapahamak. Pumihit na siya para maglakad pabalik sa pinanggalingan niya nang may marinig siyang mga boses na parang pamilyar sa kanya.

Sinundan niya ang tinig at nakita niya ang dalawa sa loob ng isang maliit na kubo sa may tabi ng pampang.

At ang mas ikinagulat niya ay ang ginawang paghalik ni Lucia sa kay Ellis.

She was stunned and literally froze into where she was standing. She wanted to turn her head but she can't even move a muscle.

Gusto niyang sugurin ang dalawa at hilahin ang buhok ng babae pero pinigilan niya ang sarili. Wala siyang karapatang gawin iyon dahil wala naman silang relasyon ni Ellis.

Nang itinulak ito ng binata ay nakahinga siya kahit papaano, lalo na ng nagalit ito at nang sabihin nitong mahal nito ang dalaga bilang isang kaibigan lamang.

Nakaramdam siya ng awa sa babae nang humagulgol ito sa iyak. She knows the feeling of being rejected and it hurts like hell.

Alam niyang masama na maging masaya sa kamiserablihan ng iba pero hindi niya maiwasang maging masaya dahil sa narinig mula sa lalaki.

Pero nang nangulit muli si Lucia at marinig ang kanyang pangalan ay saka niya muling pinigilan ang sarili sa paghinga.

"Sabihin mo sakin nang harapan, mahal mo si Ivy hindi ba? Ibang iba ka kapag kasama mo siya at ramdam ko na mahal mo ang babaeng iyon!" Halos pasigaw na nitong lintanya. "Mahal mo siya at ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Magpakatotoo ka naman Ellis!"

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon