Ellis was so excited for today. He was planning on asking Avery out on a date. He'll wait for her outside the campus gate.
Sobrang kabado ang pakiramdam niya dahil ngayon pa lang niya ito gagawin sa tanan buhay niya.
He never goes out on a date with any girl. Kahit na babae pa ang nag-aaya sa kanya ay tumatanggi siya. Bukod sa wala siyang oras ay wala rin siyang pera panggastos para sa mga ganoong bagay.
Pero dahil naiiba si Avery ay heto siya ngayon, susubukang ayain ang dalaga para lumabas silang dalawa. Pinag-ipunan niya nang husto ang gagastusin niya ngayon dahil gusto niyang dalhin ito sa lugar kung saan ito nababagay. Ayaw niyang dalhin ito sa kung saan saan lang. Gagawin niya ang lahat para maibigay rito ang nararapat.
He'll make sure that one day he'll make a lot of money so he could give her everything she wanted. He'll do that to make her stay with him.
Wala siyang klase kaya't pinaghandaan niyang mabuti ang araw na iyon. Bago siya nagpunta sa SMH ay dumaan muna siya sa isang flower shop at binili niya ang pinakamahal na bouquet ng kulay peach na rosas na naroon.
It's expensive and definitely had cost him a huge amount of money but it'll be worth it.
Basta para sa kay Avery ay handa siyang gumastos.
Hindi niya alam kung ano ang paborito nitong bulaklak pero hiling niya ay sana magustuhan nito iyon.
He was wearing a pair of jeans and a white polo shirt with a brand name on the side - Guess. He bought it yesterday for him to look cool and nice for the day.
Habang nag-aabang siya sa labas ng gate ay paulit-ulit niyang kinakabisado sa isipan ang mga sasabihin sa dalaga. Gusto niyang maging maayos ang pag-anyaya niya rito at ayaw niyang mailang o ang matakot ang babae sa kanya.
Balak kasi niyang sabihin rito mamaya na manliligaw na siya rito. Alam niyang masyadong mabilis ang kilos niya pero hindi na niya mapigilan pa ang sarili dahil sa pagkakagusto niya rito.
He'll make his move today so he could maker her his and just let the consequences hunt him tomorrow.
Ang mahalaga ay maiparating niya rito ang totoong nararamdaman niya.
May mga iilang kadalagahan ang napapatingin sa kanya dahil sa porma niya.
Nakasandal kasi siya sa motor na hiniram niya sa kaibigang si Finn habang hawak niya sa isang kamay ang malaking bungkos ng rosas. Mukha talaga siyang manliligaw sa itsura niya.
Kahit naiilang siya ay hindi siya nagpadaig roon lalo na at mag-iisang oras na siyang nakatayo sa labas. Mabuti na nga lang at hindi na gaanong mainit ang panahon lalo na ang init ng araw sa balat dahil pasado alas singko na ng hapon.
Hanggang sa matanaw na niya ang pakay niya roon. Naglalakad na ito palabas ng gate at napansin niya na hindi lamang siya ang lalaking nag-aabang rito.
May mga iilang mga binata na taga ibang unibersidad din ang naroon at sinusubukang kausapin ito.
Natuwa siya dahil wala ni isang lalaki ang pinansin ng dalaga kahit na may mga nag-aabot din dito ng mga bulaklak at kung ano pang mga regalo.
Tumayo na siya ng tuwid mula sa pagkakasandal niya sa motor at sinimulan na ang paghakbang patungo sa babae. Nang napalingon ito sa gawi niya ay kita niya ang gulat nitong reaksyon.
"Hello Miss" bati niya rito pagkalapit niya sa harap nito.
Napangiti siya nang hindi ito halos makapagsalita dahil sa pagkakatulala sa kanya.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...