Special Chapter

10.1K 346 60
                                    

He was rushing to the exit gate, trying to push people aside to let him through. He was late because his flight got delayed for two hours and now he has some explaining thing to do towards the woman he was now waiving at.

Agad niyang niyakap nang mahigpit ang babae dahil sa tuwa at kaba na nararamdaman.

"Hey, move back, get off your hands on her." Sita sakanya ng lalaki sabay hila sa babaeng niyakap niya. "I'm not helping you here so you can touch my fiancee like that." Nang-aangkin na turan nito.

Natawa naman siya sa inasta ni Warner, dahil kahit siya ay ganoon din ang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang may biglang aakap sa kay Ivy.

"Sorry" at itinaas pa niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "I just got excited. Is everything okay according to plan?" Tanong niya na hindi maitago ang kasiyahan roon.

"Opo! Wala na pong problema, ikaw na lang ang kulang! Aba sarili mo na nga lang ang poproblemahin mo eh na-late ka pa ng dating! Samantalang kami naayos na naman lahat ng gusto at sinabi mo, tapos ang aga ka pa naming sinundo dahil sabi mo alas siete ang lapag mo, eh pasado alas nueve na po ng umaga!" Saway sa kanya ni Avery.

Napakamot na lang siya ng ulo habang humihingi ng pasensiya rito at nagpaliwanag sa dahilan ng kanyang pagkahuli.

Pagkalabas nila ng airport ay saka inabot ng babae ang susi ng kanyang kotse na ipinadala na niya noong nakaraang linggo pa. Ito na ang pinakiusapan niyang kumuha sa custom.

"Thanks." Aniya pagkakuha sa susi. "So I'll see you two there later, just follow everything according to the plan okay?"

"Sure!" Sagot ng dalawa. "Sige na at susunduin na namin si Ivy sa doktor nang maihatid na namin doon sa lugar na sinasabi mo." At saka nagpaalam na ang dalawa.

Kaagad naman niyang pinasibat ang kanyang sasakyan para makarating sa pupuntahan. Kulang dalawang oras kasi ang biyahe simula Clark airport papuntang San Ignacio. Mabuti na lang at mabilis siyang magmaneho kaya't mas madali siyang makakarating roon.

Ang tagal na rin niyang hindi nakakabalik sa bayan na iyon simula nang makapagtapos siya sa pag-aabogasya. Marami na ang nagbago at mas naging moderno na ang ilang kabahayan at gusali roon.

Nang mapadaan siya sa may palengke ay naalala niya ang naging buhay niya noon. Kasama roon ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya at mga pagsubok na kinaya niya para marating ang kinaroroonan niya ngayon.

Ipinarada na niya ang kanyang sasakyan malayo sa may bukana ng kagubatan kung saan siya maglalakad papasok papunta sa Banayad falls.

Handa na ang lahat ng kakailanganin niya. Napuno na ng iba't ibang bulaklak ang paligid ng talon, na para bang nasa isa siyang malaking hardin sa gitna ng kagubatan at tanging kulang na lamang ay ang isang napaka-gandang dyosa.

Habang naghihintay siya roon ay paulit ulit siyang nagensayo ng kanyang sasabihin mamaya. Kasabay niyon ay nagpadala na rin siya ng text sa mga taong inaasahan niyang pupunta rin doon.

Nang makarinig na siya ng mga kaluskos sa di kalayuan ay agad na siyang nagtago sa likod ng isang malaking bato.

Ilang saglit pa ay nakita na niya ang paglitaw ng babae na noong una pa man ay inakala na niyang dyosa ng kagubatan.

"Avi! Wait! Why are you leaving me here?" Sigaw nito.

"Just wait there for a couple of  minutes, while I'm touring Warner around." Sagot naman ng kakambal nito.

Walang nagawa ang babae kung hindi ang sumunod. Nilinga nito ang mga mata sa kapaligiran at nasa mukha nito ang pagkamangha at kasiyahan dahil sa nakikita.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon