Chapter Nineteen

5.4K 189 6
                                    

The waves are gently crashing to the shore, and gently drenching the sand. The majestic blue sea, paired up with the long golden sand that sparkles like a tiny jewel is clearly a breathtaking sight to see.

Dinadama ni Ivy ang malakas na hampas ng hangin sa kanyang balat at ang amoy ng tubig alat mula sa dagat. Sadyang napaka-ganda ng isla ng Santiago.

Ngunit kahit na nasa isang magandang lugar siya ay nananatili ang mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib. Na kahit dapat ay matulungan siya ng lugar na iyon para makalimutan ang kung ano mang sakit na nararamdaman niya ay wala ring naging pagbabago.

Maybe what they say was true, that only time can heal all wounds. But was the past years still wasn't enough to heal her pain? Why does it feel that instead of healing, her wounds still keeps on searing?

Mas pinili na muna niyang maglakad lakad sa gilid ng dalampasigan dahil sa mga naikwento niya kanina. Maayos naman niyang nasagot ang lahat ng naging katanungan ng mga kasama niya. Lahat ng iyon ay totoo at wala siyang pinagsisisihan sa mga desisyong nagawa noon.

Subalit nang mapunta ang usapan sa trabaho ni Ellis ay naging sensitibo siya. Alam naman niya noong una pa naman na narito lang ang lalaki dahil sa kinuha niya ang serbisyo nito bilang bodyguard niya. Pero masakit pala na marinig mismo sa bibig nito na isa lamang siya sa trabaho nito at kaya rin siya pinakikisamahan nang mabuti nito ay dahil sa nangako ito sa kakambal niya.

Narito ang binata para siya'y protektahan at iligtas mula sa anumang kapahamakan. Pero hindi siya nito nagawang protektahan sa mismong sarili nito. At ito rin mismo ang naglagay sa kanya sa kapahamakan dahil sa pagkakahulog niya sa binata.

Who's gonna save me from him?

Patuloy niyang tanong sa sarili habang nakatanaw siya sa malawak na dagat.

Ilang minuto pa ay narinig na niyang tinatawag siya ng mga kasama. Inaaya na siyang maligo sa dagat dahil medyo natatakpan na ng ulap ang araw kaya't hindi na gaanong mainit sa balat ang sinag.

Nagsimula nang maghubad sina Irma at Lucia ng mga damit dahil nakasuot na rin ang mga ito ng swimsuit sa loob. Samantalang ang dalawang lalaki ay naghubad lamang ng mga muscle shirt kaya't nahantad sa harapan nila ang katawan ng dalawa.

Maganda rin naman ang pangangatawan ni Andoy na halatang batak sa trabaho. Pero iba talaga ang dating sa kanya ni Ellis. Perpekto sa paningin niya ang binata. Ang katawan nito na tila nililok mula sa isang diyos ng mga griyeko, perpekto sa lahat ng anggulo.

She can't help but to let her eyes surveyed his torso, especially his eight packed abs down to his V line. She wanted to stare at the bulge in between his legs but she fought the urge and looked away.

Para mas makaiwas na siya sa kagustuhang titigan pa ang binata ay nagsimula na rin siyang maghubad.

She pulled her sun dress up to reveal her white two piece bikinis underneath it. She heard some gasps and a groan that made her turn her head towards the sound.

Kita niya ang paghanga sa mukha ni Andoy, at ang ngiti nina Irma at Lucia. Ngunit napako ang tingin niya sa nakasimangot na si Ellis. Hindi niya alam kung bakit na naman mukhang galit ang binata sa kanya. Mas minabuti na lang niyang iiwas ang tingin at hindi na pansinin pa ang mga matatalim na mata nito.

Nagtampisaw muna sila bago tuluyang lumusong sa tubig. Hindi siya gaanong magaling lumangoy kaya't hindi siya lumalayo sa pampang. She loves beaches and pools but she's not a good swimmer like her twin sister.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon