She woke up feeling drained, like she was running all day long without a break. The smell of antiseptic was proof that she's in a hospital.
Iginalaw niya ang kanyang katawan at napaungol siya sa sakit. Nanumbalik lahat sa kanya ang mga nangyari kaya't sinipat niyang maigi ang sarili. May mga galos lang siyang natamo sa mga braso at binti, gawa ng kamuntik niyang pagkakahulog sa bangin. At bahagyang masakit din ang kanyang ulo na may benda, gawa ng paghampas ng baril roon.
Inikot niya ang mga mata at wala ni isa siyang kasama roon. Biglang bumangon ang kaba sa kanyang dibdib, nasaan ang binata? Wala na kasi siyang matandaan pagkatapos nang pagpapasalamat niya rito.
Nang bumukas ang pintuan ay sumikdo ang kanyang dibdib sa antisipasyon na ang binata ang iluluwa roon, ngunit ang kaibigan niyang si Pris ang lumitaw kaya't hindi niya naiwasan ang malungkot.
"Expecting someone?" May halong pang-aasar ang tanong nito.
"No I'm not." Sagot niya at umiwas na ng tingin.
"Well it looks like you're disappointed when you saw me coz you're expecting someone else to show up on that door, right?" Patuloy nito.
"I said I'm not." Mariin niyang sagot.
"Fine." At inayos na nito ang mga dalang prutas sa gilid niya. "Don't worry, he said he'll be back. May kailangan lang daw siyang ayusin sa trabaho kaya tinawagan niya ako para bantayan ka." Paliwanag ng kaibigan.
Hindi na niya ito kinibo pa dahil sa totoo lang ay naiinis siya. Iniwan siya roong magisa ng lalaki pagkatapos ng mga nangyari. Ni hindi man lang siya hinintay nitong magkaron ng malay bago umalis.
Mayamaya pa ay pumasok na ang kanyang doktor para silipin ang kanyang kalagayan.
"Everything's normal with your tests, just some minor bruises, and a head injury, so there's nothing serious. You just have to take a rest for a couple of days and you're good to go." Anito na tinapik pa siya sa balikat. "Thank God your baby was alright and far from harm. But you still have to stay away from such stressful activities that may cause you to exert more energy. It will be bad for the baby."
Halos mabingi siya sa mga sinabi nito kaya't hindi siya nakapagsalita agad.
Wait, did I heard her right? I-I'm pregnant?
Halos ayaw tumino sa isipan niya ang mga narinig.
"B-baby?? I have a baby here?" Tanong niya sabay haplos sa kanyang impis na tiyan.
Tumango naman ang doktora.
"Yes, you're almost three weeks pregnant Ivy. You didn't know?" Tanong nito sa kanya.
Umiling siya habang unti-unti nang nararamdaman ang pinaghalong saya at takot sa dibdib.
"What's wrong Ivy? You don't look thrilled or happy." tanong ni Pris.
Hindi niya magawang sumagot dahil naguguluhan siya.
"Just give yourself time to accept this news, remember that babies are blessings and you should be happy because you are lucky. Not all women can have one." Ani ng doktora at saka nagpaalam na sa kanila.
Nang maiwan na sila ng kaibigan ay napaluha siya.
"Hey what's wrong?" Habang inaalo siya ng dalaga.
"I don't know what to do Pris. I'm happy knowing that there's a life inside my tummy, but I'm also scared at the same time." Sagot niya habang patuloy na lumuluha.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...