Chapter Three

6K 171 36
                                    

Katatapos lang ng kanyang workout para sa umagang iyon nang may kumatok sa pinto ng kanyang tinutuluyan.

Pagkabukas niya ay ang matandang may-ari ng bahay ang naroon- si Aling Carmen. Naniningil na ito ng bayad sa upa.

Pagka-abot niya ng bayad ay inalok siya nito na tumulong sa pagdiskarga ng mga gulay mula sa truck. Galing iyon ng Baguio at ititinda iyon sa puwesto nito sa palengke.

At dahil dagdag kita rin iyon sa kanya habang wala pa siyang labang gagawin ay tinanggap na niya.

Halos lahat na yata ng maaaring pagkakitaan niya ay pinasok na niya simula kinse anyos siya. Sa hirap ng buhay nang mag-isa ay wala siyang pagpipilian kundi ang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Long weekend kaya't maraming tao sa palengke. Maraming delivering gulay ang nasa truck. Dadalawa lamang silang naroon ng tauhan ng matanda para magbuhat.

They started carrying each crates of veggies. He was used to this kind of work, so it was easy for him to do this.

Sanay na rin siya sa palengke na madulas at hindi gaanong kanais-nais ang amoy dahil sa mga karne at malalansang isda. Ito rin noon ang ikinabubuhay ng pamilya niya, ang magtinda ng mga huling isda sa palengke.

Nakakailang balik na rin sila kaya't pinagpapawisan na siya. Hinubad na niya ang damit pang-itaas at tanging kupas na pantalon na lamang ang naiwan.

Nakarinig siya ng mga singhap, hagikgik at mga pigil na tili kaya't nilingon niya ang pinanggalingan niyon.

May mga iilang mga babae ang kanya kanyang nagkukumpulan roon habang nakatingin sa kanya. Sanay na siya sa ganitong reaksyon kaya't binabalewala na lang niya.

"Grabe ang gwapo at ang macho talaga ni Ellis no?!" Narinig niyang sabi ng isang babae. Kilala niya iyon dahil isa iyon sa mga tindera sa pwesto ni Aling Carmen, pero hindi niya matandaan ang pangalan.

"Naku sinabi mo pa! Kanin na lang ang kulang kasi may ulam na tayo hanggang mamayang gabi." Sagot naman ng isa na bahagya pang tumili.

Napangiti siya sa loob niya.

Mga babae nga naman!

Patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho at nasa ibabaw siya ng likuran ng truck upang ibaba ang iba pang kaing ng mga gulay nang may grupo ng mga dalaga na bumaba sa isang van.

Narinig din niya ang mga hagikgik nito at ang mga mumunting bulong. Pero nagulat siya nang sa paglingon niya ay sakto naman ang pagbaba ng kanyang Dyosa.

Napalingon din ito sa gawi niya at kitang kita niya ang pag-awang ng bibig nito.

Napakagat siya ng labi para pigilan ang sarili na mapangiti dahil sa naging reaksyon nito.

Damn Miss, wala pa nga akong ginagawa para mahulog ka sa akin ay naaakit na agad kita dahil lang sa katawan ko. Paano pa pala kapag nagsimula na ako? Baka di ka na makaahon mula sa pagkakahulog mo.

Napangiti na siya nang tuluyan dahil sa naisip.

Bigla rin naman itong napatayo ng tuwid at iniwas ang tingin na para bang nagising mula sa pagkakatulala. Nang muli siyang lingunin nito ay saka siya nginitian pabalik.

Inaya na ito ng mga kasama pero nagpaiwan ito at tuluyan nang lumapit sa kinaroroonan niya. Bumaba naman siya sa ibabaw ng truck para rito.

"Nice to see you again, Miss. Mukhang napapadalas na ang pagkikita natin ah." Aniya.

Her cheeks blushed that makes her look adorable. How he badly wanted to kiss her right at this moment.

"Oo nga." Sagot nito na tila nahihiya pa. "Nagtatrabaho ka rin dito?"

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon