Chapter Twenty Six

6.2K 189 9
                                    

She was silent from the moment their plane took off until they are almost halfway to their destination. They are going back now to the USA. They left his hometown early in the morning to catch this flight, but she was still able to say goodbye to the people she got close to.

Mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya ni Nay Lucring bago siya binilinan ng kung anu-ano. Samantalang nagpasalamat naman sa kanya si Irma dahil sa sinabi niya kay Andoy. May pagbabago na daw sa relasyon ng dalawa at parehong masaya na ang mga ito. Niyakap din siya ni Andoy at sinabihan siya na huwag nang maging malungkot. Si Ka Andres din ay sinabihan siya na bukas ang bahay nila kung sakali mang gusto niyang bumalik at kung kailangan daw ulit niyang magtago ay mayroon siyang babalikan roon.

Doon siya naiyak dahil napamahal na sakanya ang mag-anak. Pakiramdam niya ay nakatagpo siya ng pamilya sa lugar na iyon na maaari niyang balikan. Ngunit alam niyang hindi mangyayari iyon dahil lalayo na siya at siguradong ibang babae na ang makakasama ng mga ito sa susunod. Babaeng mamahalin ni Ellis at ipapakilala sa kanila at doon bubuo ng sariling pamilya.

Masakit ngunit kailangan niyang tanggapin. Kailangan niyang isiksik sa utak niya na hindi na siya dapat pang umasa at tanggapin na lang niya ang katotohanan.

Pero kahit ganoon ang pinipilit niya sa isip ay may gumugulo pa rin doon. Lalo na ang ibinulong sa kanya ni Lucia bago sila tuluyang umalis.

Ellis loves you. He may not say it out loud or directly to your face but he does. Trust me, I can see it in his eyes. You're lucky the one, Ivy.

Hindi niya tuloy alam kung dapat nga ba niyang paniwalaan iyon or hindi. Dahil sa lalaki mismo nanggaling na simula noon, hanggang ngayon ay ang kapatid niyang si Avi ang mahal nito.

Iyon ang patuloy na gumugulo sa isipan niya sa buong durasyon ng kanilang biyahe. Kaswal lang ang pakikitungo nila sa isa't isa at simpleng tanong at sagot lamang ang namamagitan hanggang sa makalapag na sila.

"We'll be staying at one of the agency's safe houses." Anito nang makalabas na sila sa immigration.

"No need. I'll be staying at my friend's house. Pris can pick me up here-" He cuts her off.

"I'm sorry Miss, but you'll be staying with me coz it's still dangerous."

"I can request for some police protection-" again she was cut off.

"It was my job to protect you so I won't let you out of my sight!" Seryosong wika nito. "Don't worry, once we've caught up the crazy stalker, you won't see me again. You will have your life back, I promise."

Saglit siyang natameme dahil doon. Pero agad din siyang nakabawi.

"Okay." Tanging nasagot niya.

Sabay na silang lumabas ng airport at nagulat siya nang may pumaradang sasakyan sa harap nila at mula roon ay bumaba ang isang lalaking matangkad.

"What am I, your chauffeur?" Anito at sabay hagis ng susi sa kay Ellis.

"If you want to, why not?" At tinapik pa sa balikat ang lalaki. "Thanks Hacker!" Natatawang ani Ellis. "Do you want us to drive you back to the headquarters before we head to the hospital?"

"No need, I can manage from here. I'll be heading somewhere else." Wika ng lalaking tinawag na Hacker. "The investigation about the security breaching in our agency is still on-going. We failed the entrapment operation last night for the said breacher so we have to locate that person ASAP. The breacher stole some confidential files and may have tapped on our private data- personal data of all the agents." Anito at tumingin sa kanya na para siyang sinusuri.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon