Chapter Sixteen

5.7K 188 15
                                    

She didn't want to wake up. She was having a much better time asleep. And that's really sad. It was almost like a reverse nightmare, like when you wake up from a nightmare you're so relieved.

And Ivory did woke up into a nightmare.

"Why do people have to be this lonely? What's the point of it all?" Ivy asked herself while still lying on the bed and staring up the ceiling.

She had a wonderful dream where she was so happy and complete. But then again, she needed to wake up into reality's nightmare where being lonely and broken is always constant.

Wala na roon sa kwarto si Ellis nang bumangon siya kaya't mas lumala ang kahungkagan na kanyang nararamdaman.

Pagkababa niya ay nakapagluto na ito ng almusal at saktong gumising na din ang dalawa nilang bisita. Wala silang imikan na apat habang tahimik na kumakain, nagpapakiramdaman, nagtatantiyahan.

Hanggang sa oras na para magpaalam siya sa kanyang kakambal. Mahigpit na yakapan ang ginawa nila sa isa't isa. Hindi nila alam kung kailan ulit sila magkikitang muli o kung matatagalan pa ba bago sila makabalik pareho sa Amerika. Basta, maniniwala siya sa pangako nito na tutulungan siyang matapos ang problema niya.

Habang tinatanaw niya papalayo ang dalawa sakay ng speedboat ay hindi niya maiwasang mapaluha. Pakiramdam na naman kasi niya ay mag-isa siyang muli, takot at pangamba ang nangingibaw sa kanya. Ngunit nang hawakan ng binata ang kanyang balikat ay kahit papaano'y nabawasan ang kanyang agam-agam sa mga maaaring mangyari sa kanya. Pero hindi nawala ang kalungkutan o kahungkagan.

Napagpasyahan na lang nila na mamili sa bayan ng iba pang kakailangan nila sa pagtira roon. Pagkain, toiletries at kung anu ano pa. Doon na rin sila kumain ng tanghalian para hindi na sila magluto pa.

Pagbalik nila sa bahay ay sakto namang naroon ang ang mag-asawang Ka-Andres at si Aling Lucresia na may kasamang isang binata.

"Kanina pa ho ba kayo naghihintay rito? Galing pa ho kasi kami ng bayan." Bungad ni Ellis sa tatlo.

"Hindi naman masyado, kakarating lang din namin dito." Sagot ng matandang lalaki at pagkatapos ay bumaling sa kanya. "Iha, ito nga pala si Andoy, ang anak ko. O diba, poging pogi gaya ko?" At humalakhak pa ito kaya't napangiti rin siya.

"Tay naman!" Saway ng binata at pagkatapos ay naglahad ng kamay sakanya. "I'm Andrew." Pagpapakilala nito.

"I'm Ivy." Pagpapakilala rin niya matapos tanggapin ang kamay nito.

"Sus, pa-Andrew Andrew ka pa diyan eh Andoy naman ang tawag sayo ng lahat rito." Pang-aasar naman ng nanay ng binata.

"Nay naman eh, kayo lang naman ang may gustong tawagin akong Andoy." Wika ng binata na napakamot pa ng ulo.

Natawa naman ang mag-asawa.

"Hayaan mo na nga yang anak mo Lucring at mukhang nagpapapansin sa bisita ni Ellis eh. Bibihira kasi makakita ng magandang dalaga rito at yung imported pa." Natatawang sabi ng matanda.

"Ano ho ba ang sadya ninyo?" Magalang na tanong ni Ellis habang iginagaya sa loob ng bahay ang mag-anak.

"Ay balak ko sanang ayain kang sumama mangisda ngayong hapon. At baka kako'y nakalimutan mo na kung paano pumalaot at manghuli eh." Si Ka Andres.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon