"Two more shots and we're good." Roy said as he continues to flash his camera. He's the agency's photographer.
Ivory continued to project herself and confidently gave him two more perfect poses and then they were done.
"Alright let's wrap this up!" It was Matthew Gordon, their manager.
It was already half past ten in the evening and they were only two girls left to finish the photoshoot.
"You go ahead Matt, I still have to fix my stuff before I'll go home." Sabi ni Ivory sa manager niya.
"Are you sure you're gonna be fine?" Tanong nito na tinanguan naman niya.
Sabay sabay nang umalis sina Matthew, Roy at si Beatrice na kapwa modelo gaya niya.
Habang mag-isa siya sa dressing room at nagliligpit ng kanyang mga gamit ay may naramdaman siyang kakaiba. Na para bang may nakatingin sa kanya mula sa malayo at binabantayan ang kanyang mga kilos.
Pilit niyang pinipiksi sa kanyang utak ang nararamdaman at pinatatatag niya ang kanyang loob.
Nang matapos na siya ay saka na siya naglakad palabas ng building. Pero naroon pa rin ang kakaibang pakiramdam niya. Panay lingon ang ginagawa niya at nililibot ang tingin sa paligid pero wala siyang nakikita.
Tinanguan lang niya ang guard paglabas niya sa main door ng studio building nila. Hindi pa rin siya mapakali sa nararamdaman at lumalakas na ang tibok ng puso niya.
Halos lakad takbo na ang ginagawa niya papunta sa kung saan nakapark ang sasakyan niya. Tinayuan na siya ng balahibo sa kanyang batok kaya't nagmamadali na siyang buksan ang pinto ng kotse.
Pagkabukas niya ay mabilis siyang pumasok sa loob at ini-lock na niya ang pinto. Nagsuot na rin siya ng seatbelt at nang akmang bubuhayin na niya ang makina ng sasakyan ay nagulantang siya sa nakita sa harapan niya.
Isang patay na pusa ang nasa ibabaw ng windshield niya. Luray luray ang katawan nito. Napatakip siya ng mukha at napasigaw siya ng malakas.
She loves animals, especially cats and she felt pure hatred for the one who did that to the poor kitty.
Mabilis siyang tumawag ng tulong at ang guard ng building ang lumapit sakanya.
Inakay siya nito pabalik sa loob ng building. Ito na rin ang tumawag sa manager niyang si Matthew na kaaalis lang.
Hindi siya nagpadaig sa takot at sa pagkakataranta ng manager niya nang makita nito ang sasakyan niya.
"My God Ivy! I told you the last time that we really need to report this to the police. This isn't the first time that something like this popped up in front of you. First a dead rabbit and now a dead kitty, both lying on your car front. Don't you dare think that those are just coincidence." Anito na pabalik balik ng lakad sa harap niya dahil hindi mapakali.
"Would you just stop panicking Matt, you're not helping. Look, I don't think that this was a threat but just a bad joke from someone who wanted attention- my attention. Let's just shrug it off." At tumayo na siya dahil nakita na niyang paparating na ang kaibigang tinawagan.
"Ivy, are you alright?" Tanong ng kaibigan na kapwa modelo rin gaya niya.
"I'm fine Pris. Thank you for coming." At niyakap ito. Kahit papaano ay nawala ang agam agam na nararamdaman niya dahil may kasama na siyang kaibigan roon.
Isa ito sa mga kabarkada niya sa SIU at ang pinaka-malapit sakanya. Pareho silang nakipagsapalaran sa mundo ng pagmomodelo at pareho silang nagtagumpay.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...