The loud roaring sound of his car was almost deafening, but he doesn't give a damn care. He was on a chase with a car in front of him.
"Damn you Johnson! I've had enough of this cat and mouse game." He muttered to himself as he stepped on the gas to speed up.
Ilang pulgada lang ang layo niya sa sasakyan na nasa harap niya. Balak niyang banggain ang likurang bahagi nito ngunit may naunang bumangga sa kanyang likuran dahilan para mawalan siya panandalian ng kontrol sa minamaneho.
Alam niyang tauhan ni Johnson ang bumangga sa kanya at kailangan niyang unahing dispatsahin iyon para wala nang istorbo pa sa paghabol niya sa lalaki.
Sinubukan niya itong barilin pero nakaiwas ito at dahil nasa likurang bahagi niya ito ay mas lalo siyang nahihirapan na asintahin.
Nag-isip siya nang mabilis na paraan upang hindi na ito makigulo pa sa kanya.
Nang pakurba na ang tinatahak nilang daan ay pinantayan niya ang sasakyan na bumangga sakanya at isang malakas na pagbangga ang ginawa niya. Nawalan din ito ng kontrol sa manibela ngunit dahil nasa pakurba sila ay mas nahirapan itong makabawi kaya't nahulog na ito sa bangin pagkatapos ay sumabog iyon.
"Now it's time for me to finish this game." Sabi niya at mas diniinan ang pag-apak sa gas.
Nakalayo na kasi ang sasakyan ni Johnson dahil pinagtuunan na muna niya ng pansin ang tauhan nito.
Mabilis ulit siyang nag-isip ng ibang paraan para maabutan ito. Sinilip niya ang GPS at nakita niya na may maaari siyang daanan na iba at sigurado siya na maabutan niya ang hinahabol sa kabilang dulo kapag doon siya dumaan.
Wala siyang pag-aalinlangan na sundin ang naisip at mas binilisan pa niya ang takbo. Iniliko niya ang sasakyan sa kabilang daan, ngunit napansin niya na sa bandang di kalayuan ay putol ang tulay na tatawirin niya.
Tantiya niya ay kakayanin naman niyang makatawid kaya't mas binilisan niya ang pagpapatakbo sa sasakyan at sa isang iglap ay parang pinalipad niya ang kotse.
He was literally flying to get to the other side of the broken bridge. There was a twelve meter gap between those two sides and it was a ninety five feet drop, too high for him to survive if he fail that stunt he's making.
Narating niya ang kabilang bahagi ng walang kahirap hirap. Pagkatapos ay saka niya muling pinatakbo ng mabilis ang kotse para maabutan na ang hinahabol.
He drove down the curvy little road and stopped near the edge of the cliff. He went out of his car and stood behind the door, waiting for Johnson's car to pop up in front of him.
Nang matanaw na niya ang papalapit na sasakyan ng lalaki ay saka niya inilabas ang kanyang armas na isang Uzi submachine gun. At walang pag-aalinlangan na niratrat niya ang sasakyan nito gamit ang baril na hawak.
His order was to catch him dead or alive. And for him, that person doesn 't deserve to live in this world because of his committed crimes. He should be punished by death and should rot in hell.
That man was responsible for abducting women and young girls for his human trafficking business and prostitution. He certainly hates people who abuses women and children. He kills those kind of people without any remorse.
Patuloy siya sa pagbaril rito hangang sa mapuruhan niya ito, dahilan para makabig nito ang manibela at bumaliktad ang sasakyan nito at nagpagulong gulong.
Ni hindi siya umalis sa puwesto niya habang papalapit ang sasakyan na gumugulong at lumiliyab sa apoy.
Parang eksena lang sa isang action movie ang nangyayari. Tantiyado niya ang ginawa at ang kinatatayuan niya kaya't alam niyang hindi siya tatamaan.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...