It has been a week since that embarrassing incident but Ellis won't forget about it.
Nang dahil sa panliliit sa sarili ay namuo ang galit sa kanyang dibdib dahilan upang mas lalo niyang lunurin ang sarili sa pakikipaglaban at karera.
Halos araw araw siyang tumatanggap ng laban. At kagabi nga ay naganap ang pinaka-malaki niyang laban.
Malakas at mahirap patumbahin ang kanyang katunggali na galing ng Maynila. Wala pa itong nagiging talo sa laban gaya niya. Mas malaki din ang pangangatawan nito sa kanya pero mas matangkad naman siya rito.
Sa una ay nahirapan siya at panay sangga lang ginagawa niya. Pero nakabawi siya pagdating sa pang-apat na round. Sa tuwing sumasagi kasi sa isipan niya ang mukha ng kakambal ng babaeng mahal niya ay nanggagalaiti siya sa galit. Hindi niya makakalimutan ang matalim nitong tingin at ang galit nito nang dahil lang sa may gusto siya sa kapatid nito.
Kaya't ang resulta ng laban ay napatumba niya ang kalaban pagdating sa ikalimang round. Siya ang tinaguriang kampyon at naiuwi niya ang isang daang libong pisong premyo.
Malaking halaga na iyon para sa kanya pero kulang pa rin para mabuo niya ang halaga na kakailanganin para mabawi ang bahay at lupa ng mga magulang. Triple na kasi ang presyo na ibinigay sa kanya ng nakabili. Wala itong balak na ibenta ang nabiling lupa mula sa kanya pero dahil mapilit siya ay tinaasan nito ang presyo at kinagat naman niya. Gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang kaisa isang alaala na naiwan ng magulang.
Kasalukuyan siyang nag-aayos para sa pupuntahang graduation ball sa SIU. Hindi na nga lang si Avery ang magiging partner niya kundi ang bunsong anak ni Aling Carmen na nag-aaral sa SIU. Pinakiusapan siya ng matanda at hindi naman na siya tumanggi pa.
Sinubukan niyang tawagan si Avery pero mukhang nagpalit na ito ng numero. Wala na rin itong balak na gawin siyang partner dahil nabalitaan niya mula kay Joey na ang pinsan nito ang siyang magiging kapartner nito sa gabing iyon.
Nainis siya pero wala naman siyang magagawa pa kung ayaw na sa kanya ng babae. Pero mas lalo siyang nainis nang malaman niyang si Ryan naman ang kinuhang kapartner ng kakambal nitong si Ivory.
Kilala niya ang binata na walang sinasanto basta nakapalda. Kahit pa high school ang babae o kahit gaano pa ka-inosente ay hindi ito magdadalawang isip na sirain iyon.
Ipinilig niya ang ulo sa naisip. Wala siyang dapat paki-alam sa kay Ivory dahil hindi naman ito ang babaeng gusto niya.
Sinipat niya ang sarili sa salamin. Pormal na pormal ang datingan niya sa suot na hiniram sa kaibigang si Finn. Nagmukha tuloy siyang mayaman dahil doon. Pero alam niya ang katotohanan kaya't tumalikod na siya upang makalabas na siya sa kanyang tinutuluyan.
Katapat lang ng kanyang munting tirahan ang bahay nina Aling Carmen at doon niya sinundo ang anak nitong si Ingrid.
Pagpasok niya sa loob ng gate ay sakto namang palabas na rin ang dalaga, kasunod ang ina nito at ang kuya nitong si Sael.
Nagtanguan lang silang dalawang lalaki. Highschool pa lang ay kilala na niya ito at nakakalaro rin ng basketball kasama ang bestfriend nitong si Laz. Magkakasing-edad kasi sila at magkakapit-bahay na rin.
Parehong ganap na pulis na ang dalawa, samantalang siya ay pinagsisikapan pang makapagtapos ng law para maging NBI agent. Magkakasundo sila dahil pare-pareho nilang pangarap ang maging isang alagad ng batas.
"Ikaw na ang bahala rito kay Grid ha. Wala na kaming maisip na ibang pupwedeng sumama sa kanya eh kaya ikaw na ang kinausap ni Mama." Wika ni Sael na ikinasimangot ng dalaga.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...