Chapter Twelve

5.4K 181 16
                                    

They drove for more than twelve hours already and he felt a bit tired, especially that he was driving his big bike mostly on a dirt road.

If she only let him drive that car then it would be so much easier for the both of them. But that woman was certainly a pain in the ass and a drama queen, really far from her twin's attitude.

He followed her when she turned right to an almost abandoned road. Few more minutes and they both stopped in front of a quite huge log cabin.

Nang bumaba ang dalaga mula sa sasakyan ay agad niya itong nilapitan.

"Stay inside the car, I need to check first the whole area." Aniya rito.

Nagsimula na siyang maglakad-lakad sa paligid bago siya dahan dahang lumapit sa cabin. Sinilip niya ang loob at nang makita niyang wala namang kakaiba roon ay saka lang niya sinenyasan ang dalaga na bumaba na.

Pagkapasok nila ay sinuyod pa rin niya ang lahat ng sulok, kwarto man o ang banyo para makasigurado.

"Are you done?" Narinig niyang tanong ng dalaga. "Coz I really wanted to take a bath and to sleep for a few hours."

Tinanguan na lang niya ito pagkatapos niyang bumuntong hininga.

Dire-direcho na itong pumasok sa kwarto at naiwan siyang mag-isa sa sala.

Napailing na lang siya at saka minasahe ang kanyang batok. Napagod talaga siya sa biyahe at talagang kulang din siya sa tulog.

Kung hindi lang talaga dahil sa kakambal ito ni Avery ay paniguradong hindi niya ito pagtitiisan. Sa kanilang magkakagrupo ay siya ang pinaka maiksi ang pasensiya kaya't hindi siya binibigyan minsan ng kaso na alam nilang ika-iinis niya.

Pinapatulan kasi niya ang mga kliyente kapag matitigas ang ulo at ayaw makinig. Ang dahilan niya ay hindi siya binabayaran para isugal ang buhay niya sa taong gusto rin naman pa lang mamatay sa huli. At ngayon nga ay mukhang ganoon rin ang ginagawa ng babae.

Sa iisang araw pa lang ay tatlong beses na itong kamuntikang mapahamak pero parang balewala lang dito iyon. Mas importante pa din ang trabaho at kasikatan nito kaysa sa sariling buhay.

Mabuti na lang talaga at napapayag ito ng manager nitong hilaw na lumayo muna. Pero kahit ata saan magpunta ang dalaga ay sinusundan ito ng kamalasan. Takaw pansin kasi ito at agaw atensyon talaga ang kagandahan. Sabayan pa ng suot nito na hapit na hapit sa katawan kaya't sinong hindi mapapalingon?

Halata niya na sanay na sanay ang dalaga na pagtinginan ito at pagpiyestahan ang kagandahan na hindi man lang nakakaramdam ng pgaka-ilang. Ganoon nga siguro kapag iyon ang trabaho mo, ang humarap sa maraming tao at ipakita ang katawan.

She may not actually take her clothes off totally in front of the whole world but she usually wore a piece of cloth that can really drive any man crazy.

Napagpasiyahan niyang mag-set up saglit ng parameters at video surveillance bago siya naligo rin. Mabuti na lang ay may isa pang banyo sa labas ng kwarto para hindi na niya kailanganin pang pumasok roon habang natutulog ang babae.

Nang matapos siyang makaligo ay mas lalo lang siya nakaramdam ng antok dahil sa kaginhawaan. Sinipat na muna niya muli ang paligid at ang monitor niya bago siya natulog sa sofa.

Ilang oras din siyang nakatulog nang magising siya sa pagpihit ng pintuan mula sa kwarto at lumabas roon si Ivy na naka-shorts at t-shirt lamang.

Kitang kita niya ang mapuputi at makinis nitong hita na talaga namang nagpagising sa kanya nang husto.

"Can we go out for some late lunch? I'm starving." Anito sa kanya at alanganing ngumiti.

Hinamig muna niya ang sarili bago siya tumayo dahil may nagsisimula ring magising mula sa kanyang katawan. Mabuti na lamang at naroon lang ang kanyang jacket upang ipantakip sa kanyang namumuong katigasan.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon