They are on their way to her sister's house because she invited them for dinner. She knows that Avi was just doing this so she would be at ease for tomorrow's entrapment operation of her stalker.Agad niyang tinawagan ang kakambal kagabi pagkatapos sabihin ni Ellis ang plano ng dalawa. Ito ang magpapanggap bilang siya para maisagawa ang paghuli sa suspek. Alam naman niyang kaligtasan lang niya ang iniisip ng dalawa ngunit hindi maalis sa kanya ang konting inis.
Naiinis siya dahil iniisip ng dalawa na hindi niya kaya, na mahina siya at walang kakayahan na isagawa ang plano.
If they'd only let her try, she knows she can do it.
Pagkarating nila sa bahay nito ay mainit silang sinalubong ni Warner sa may pintuan. Pinakiramdaman niya ang reaksyon ni Ellis pero seryoso lang ang mukha nito. Hindi tuloy niya alam ang tumatakbo sa isipan nito ngunit alam naman niyang nagseselos ito sa relasyon ng dalawa.
Tahimik lang silang tatlong nagsitungo sa may hapagkainan kung nasaan ang kakambal niya. Hanggang sa magsi-upo na sila ay nanatili silang tahimik, pero si Avi ang unang bumasag roon.
"Let's eat." Anito.
At nagsabay pa silang magkapatid sa paglagay ng mga pagkain sa dalawang lalaki. Nagkatinginan silang dalawa at ganoon din ang dalawang lalaki.
Tumikhim siya at saka nag-iwas ng tingin. Ni hindi na rin siya tumingin sa kay Ellis dahil bigla siyang nakaramdam ng pagka-ilang.
"Oh I missed this kare-kare of yours." Narinig niyang untag ni Warner.
Tumingin siya rito at nakita niya ang magana nitong pagkain ng kare-kare.
"Yan talaga specialty ni Avi. Natutunan niya ang recipe kay mommy eh." Aniya.
"Nagluluto ka rin naman nito ah. At pareho nating alam ang recipe ni mommy." Sagot naman sa kanya ng kakambal.
"Pero mas masarap ka magluto niyan." Balik naman niya.
"Mas marami lang ako maglagay ng giniling na mani." At bahagya pa itong tumawa.
Nginitian niya ito at saka niya binalingan si Ellis sa tabi niya.
"Kumain ka pa. Baka na-miss mo rin ang luto ni Avi." At saka niya nilagyan pa ito ng kare-kare.
Kahit alam niyang may halong pagkasarkasmo ang pagkakasabi niya ay wala na siyang paki-alam.
Hindi naman kumibo ang lalaki, bagkus ay nagsandok ito ng kaldereta at saka sumubo.
"Eto ang namiss ko." Anas nito na nagpalingon sa kanilang lahat rito. "Yung kaldereta..." Pambibitin nito. Sumimangot siya sa narinig habang pinipilit niyang kumain at hindi na intindihin pa ang mga nasa paligid. "Kaldereta na luto mo." Pagpapatuloy nito.
Napaangat siya ng tingin rito at sinalubong ang mga mata nitong may kaaliwang pinapakita.
"What?" Tanong niya hindi dahil sa hindi niya narinig o naguguluhan siya, kundi dahil gusto niyang makasigurado sa narinig niya at ayaw niyang magkamali at umasa.
"I said I missed your kaldereta. Dahil mas gusto ko ang luto mo kasi maanghang." He said while smiling.
Natuwa siya at nahiya din ng kaunti. Umiinit ang pisngi niya dahil sa sayang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...