Chapter Two

6.5K 197 20
                                    

It was like pulling a half sack of rice grains as he pulled her up. She was so light that he wanted to ask if she was eating enough for having such a light weight.

Pigil pigil ni Ellis ang kanyang paghinga nang halos yakap na niya ang dalaga.

Her scent was sexy yet sweet, so addicting. Her skin was soft and smooth and glowing like there were beads of diamonds that sparkles underneath it.

A real goddess that walks on earth.

"Ayos ka lang ba Miss? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya dahil nanginginig ang katawan nito.

Umiling lang ito pero bakas pa rin ang takot sa mukha.

Ang lakas ng tibok ng puso niya. Hindi siya sanay sa ganito.

Makailang beses niyang ikinurap ang mga mata para lang makasiguro siya na totoo ang babaeng nasa harap niya.

She's real. I can't believe that Goddess really do exist in this lifetime.

Bulong niya sa isipan.

Inalalayan niya itong makaupo sa isang malaking batong naroon.

"S-salamat. Salamat sa p-pagligtas sa akin." Ani ng babae sa nanginginig na boses.

"Walang anuman, Miss. Mabuti na lang at narinig ko ang sigaw mo. Bakit ka kasi nagpupunta rito ng mag-isa? Gubat ito at delikado ang mga daan. Wala ka bang kasama?"

"M-meron. Kaso gusto ko lang kasing mapag-isa." Sagot nito sabay yuko.

Gusto pa sana niya itong pagsabihan kaso ay pinigilan na lang niya ang sarili. Alam niyang nasa state of shock pa din ito.

"Sigurado kang ayos ka na?"

Muling tumango ito at ngumiti sa kanya.

Fuck! Don't smile like that baby. It only makes me wanna kiss you so badly!

Hiyaw niya sa isip.

Ngumiti rin siya pabalik pero nawala pareho ang atensyon nila sa isa't isa nang tumunog ang cellphone ng dalaga.

"Kuya Ris! I know.... Okay I'll go there now." Ani ng babae at pagkatapos ay pinatay na nito ang tawag.

"Mukhang hinahanap ka na sa inyo." Wika niya at inalalayan ito nang tumayo mula sa pagkakaupo sa malaking bato.

"Yeah. Kailangan ko nang umalis. Nasa may bungad na ng gubat si Kuya, sinusundo na ako. Sige mauuna na ako sayo." Paalam nito pero pinigilan niya.

"Ihahatid na kita sa may bukana para sigurado. Baka mamaya niyan madulas ka na naman." Nakangiti niyang turan.

Tumawa naman ang babae na parang musika sa pandinig niya ang boses nito.

Naglakad na sila at nang nasa malapit na sila palabas ay nilingon siya nito.

"Sige hanggang dito mo na lang ako ihatid. Masyado na kitang naaabala."

"Hindi naman abala ito. Ihahatid na kita hanggang sa labasan-"

"Huwag na." Pigil nito sa kanya. "Baka kasi makita ka ni Kuya, mapapagalitan ako nun. You know- boys and other stuffs." Nakangiwing sabi nito.

Naintindihan naman niya ang ibig nitong sabihin. Kung nagkataon na may kapatid din siyang babae ay siguradong bantay sarado din sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na may lalaking lalapit. Makakatikim ng sapak at gulpi sa kanya ang sinumang magtatangka.

"I understand, Miss." Sagot niya.

Ngumiti naman ulit ito. Ngunit napapikit ito nang muling tumunog ang cellphone.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon