Chapter Fourteen

5.4K 169 8
                                    

It has been a long time since Ellis slept peacefully. Nothing can compare any places from home where you feel safe and comfortable.

He pulled himself up from bed after a couple of stretching and went to open the sliding door leading to the balcony.

Pinagmamasdan niya ang malawak na karagatan habang nanunumbalik sa kanya ang mga alaala ng kanyang kabataan. Kung paano nabuo ang mga pangarap niya kasama ang kanyang mga magulang.

Hindi hindi niya kayang pakawalan ang lugar na ito kung saan siya nakaramdam ng pagmamahal. Simple at tahimik ngunit mapapa-ibig ka dahil sa ganda ng lugar.

Kaya't masaya siya na nabili niya pabalik ang lupa't bahay rito. Dahil dito niya balak na lumagay sa tahimik balang araw. Dito niya ititira ang babaeng mamahalin niya at dito sila bubuo ng sariling pamilya.

Plano niya na ayaing magbakasyon sana rito si Avery kapag pareho na silang libre sa mga misyon nila. Gusto niyang makita ng dalaga kung saan siya ipinanganak at lumaki. Gusto niyang magustuhan din ng dalaga ang lugar na minahal niya ng labis. Dahil ito pa rin ang babaeng pangarap niyang makasama habang-buhay. Mula noon hanggang ngayon ay ito pa rin ang mahal niya.

He loved her since the day he first saw her up until now. He wanted to see again how her eyes sparkle and the way her face lits up whenever she sees him before.

Nagbago lang naman iyon nang dahil sa isang trahedya, kaya't gagawin niya ang lahat upang manumbalik ang dating Avery, ang dating babaeng nakilala niya na nagpahulog sa kanya nang todo.

Akala niya ay ang dalaga ang unang madadala niya sa lugar na ito, ngunit nang dahil sa kalagayan ng kanyang misyon ay wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang dalhin dito ang kakambal ng pinakamamahal niya.

This is the only place where he knows she could be safe and away from harm. A place far away from those people who can hurt her.

Problema nga lang niya ay sa malamang ay hindi makakatagal ang dalaga sa ganitong uri ng lugar dahil sanay ito sa magarbo at maingay na mundo ng pagmomodelo. Hindi ito sanay sa hirap o sa simpleng buhay. At alam niyang mas lalong hindi ito sanay na magtrabaho sa bahay partikular ang dumi at alikabok sa paligid.

Nangingiti at napapailing ang ulo niya habang inaalala ang reaksyon ng dalaga kagabi dahil sa sinabi niyang ito ang pagtatrabahuin niya sa loob ng bahay. Siguro ay makakatulong rito ang pagtira nila pansamantala sa kanyang lugar upang matuto ito sa gawaing bahay na dapat ay alam nito bilang babae.

Looks like the evil princess must learn how to hold some dirty rags after all.

Natatawang untag niya sa sarili habang patuloy pa rin siya sa pagmamasid sa karagatan nang may makakuha ng kanyang atensyon.

It was Ivy. And she was wearing a two piece red stringed bikinis.

His eyes narrowed as he watched her lay a long towel to the sand while slowly laying down too on top of it. She's having a sun bathing!

And she's wearing a fucking bikinis!!!

Sigaw niya sa utak at nagsimula na siyang bumaba mula sa kanyang kwarto.

Dire-direcho siya palabas ng likod bahay, papunta kung nasaan prenteng nakahiga ang dalaga. Hindi man niya sadya at kusang hinagod ng kanyang mga mata ang kabuuan ng katawan nito. Kumikinang ang mala-porselanang kutis nito sa sikat ng araw at sino man ang tatanaw ay paniguradong masisilaw.

"What are you doing??" Medyo mataas ang tono ng kanyang boses.

Dumilat ito at saka tumingin sa kanya habang naka-kunot ang noo.

S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon