So it's true when all is said and done, grief is the price we have to pay for love.
Ivy said to herself as she was silently crying inside her room. She locked herself up again the whole night. She was deeply depressed by what she had found out. Those memories that she treasured for years has instantly became worthless, meaningless and insignificant.
The first time he saved her was like a turning point in her life because finally, she got to talk to him. She liked him a lot back then and it grew a lot more as days passes by.
Una niya itong nakita ay noong isinama siya minsan ng Kuya Ris niya sa isang martial arts studio. Gusto kasi ng kuya niya na matuto siya ng mga basic self defense dahil siya nga ang mas madalas na pasaway sa kanilang mag-kambal. Mas marami kasing lalaki na lumalapit sa kanya dahil palagi siyang sumasali ng mga beauty contest.
Noong una ay hindi niya gusto dahil ayaw niyang nahihirapan at nasasaktan pero nang makita niya ang binata sa unang pagkakataon ay nagkaroon siya ng dahilan para sundin ang kapatid. Halos araw araw itong naroon na para bang nageensayo para sa isang nalalapit na laban.
Magaling ang binata at nakikita niya ang determinasyon nito sa bawat kilos. Seryoso ito sa pakikinig sa nagtuturo rito at nagagawa nito ng tama ang lahat ng mga natututunan.
At first it was just an infatuation or attraction she felt, being only fifteen. Then it grew into something far more deeply fragile emotion. She wanted to talk to him but she never had the chance, or more likely, the courage to communicate with him. She maintained her distance and just suit herself in watching and loving him from afar.
Kaya noong nangyari ang kamuntik na niyang pagkakahulog ay halos magdiwang siya. Siya lang ata ang taong halos kamuntik nang mamatay na imbes matakot at magka-trauma ay kinilig pa at naging masaya. Walang kaalam alam ang pamilya niya sa nangyari dahil nakangiti siya nang makauwi ng bahay.
At ang mga sumunod pa nilang pagkikita at paguusap ay kanyang pinahalagahan. Mas lalong tumindi ang atraksyon niya rito, at binalak pa niyang aminin rito ang kanyang nararamdaman sa mismong gabi ng grad ball nila.
But things didn't go her way. She thought they both share the same feelings, that they were both reading the same page. But it turned out to be that they were reading different books.
Akala niya ay sadyang nagkamali lang ito noon na pinaasa siya at si Avery ang gusto nito. Nang pumunta ito sa SMH at napagkamalan siya nitong siya ang kakambal niya ay nagdulot ng sakit sa kanyang puso. Pero mas masakit pa pala na malaman niyang simula sa umpisa pa lang ay hindi siya nito kilala. Na ang lahat ng mga namagitan sa kanila ay ang kakambal niya ang iniisip nito.
Ang mga memorya kasama ang binata ay ang bukod tangi na lang niyang matatawag na kanya pero hindi pala. Dahil kahit sa mga memoryang iyon ay walang Ivy at Ellis kung hindi ang kakambal pa rin niyang si Avery.
She had never felt so envious of anyone, especially her sister. But this time, she was totally envious of her and felt a sense of hatred towards her. And that left her hating herself too.
Ayaw niyang magkaroon ng dahilan para kamuhian niya ang kapatid pero dahil sa sakit na nararamdaman niya ay unti-unting namumuo iyon. Alam niyang walang kasalanan ito at ang dapat lang naman niyang sisihin ay ang sarili niya. Siya ang nagdesisyon na umasa sa binata, at ang maghintay na darating ang araw na mapapansin rin siya nito. Na siya naman ang makita nito gaya ng dati. Pero kahit anong gawin pala niya ay walang saysay. Dahil sa simula pa lang ay walang siya sa buhay nito.
BINABASA MO ANG
S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight
General FictionWARNING: SPG / R-18 / mature content Special Intelligence and Advanced Tactical Team (S.I.A.T.T.) S.I.A.T.T. Series Book 2: The Rugged Knight Name: Ellis Vinson Crawford Codename: Ryder Height: 6'2 ft. Nationality: Filipino-British Occupation: *S.I...