CHAPTER 1
Hindi pinansin ni Yana ang nakalahad na kamay ni Nicholas, bagkus ay umabre siyete siya sa matipuno nitong braso. The senator guided her to the center of the dance floor. Everyone was looking at them—most especially women who were envious and jealous of her.
At bakit hindi? Senator Nicholas Ybarra was a big deal to everyone. Bukod sa makapal ang laman ng bank account, guwapo, ay tapat at magaling na politiko ito. Isa sa mga adbokasiyang ipinaglalaban nito ay ang pagsugpo sa kurapsyon at katiwalian sa gobyerno—mga bagay na hindi napanindigan ng mga naunang naluklok sa puwesto.
Yana liked the attention that they were getting. If she would be a little more childish, she would stick her tongue out to annoy their audience, but she would rather not do it because it was unclassy.
Mamatay kayo sa inggit! she said at the back of her mind.
Kulang na lang ay mag-evil laugh siya nang malakas para kumpleto ang pang-iinis niya sa mga nakatingin sa kanila ngayon.
Maraming aware sa civil status ng senador. Single pa rin ito kahit pa nasa late thirties na. Maraming mga kababaihang nagkakagusto sa binatang senador ngunit ang alam niya ay wala itong ni isang nililigawan o nobya.
Nang huminto ang dalawa sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao ay hinarap at tiningala ni Yana si Nicholas. Nagulat ngunit natawa siya nang bigla itong nag-curtsy sa harap niya. Napailing siya at wala nang nagawa kundi ang mag-curtsy rin.
"Too old school, huh?" she teased.
"Old indeed," Nicholas shrugged and chuckled.
Hindi siya sigurado kung na-offend niya ba ito o hindi pero nakitawa na lang din siya ngunit agad din iyong natigil nang bahagyang lumayo sa kaniya ang senador at hinubad ang suot nitong suit jacket.
Nakarinig siya ng mga mahihinang singhap mula sa mga babaeng nakikipagsayaw rin malapit sa kanila. Natira ang suot nitong white fitted long sleeved polo at itim na vest. Kahit hindi niya na itanong, sa tingin niya ay nagwo-work out ang senador. Humahakab ang matitipuno nitong mga muscle sa suot na pang-itaas.
"What are you doing?" nagtatakang tanong niya habang naghihintay sa susunod nitong gagawin.
Hindi sumagot si Nicholas ngunit itinuloy lang nito ang ginagawa. Nang tuluyan nitong nahubad ang suit jacket ay laking gulat niya nang isinara ng senador ang kanilang distansya para ipatong ang hawak nito sa kaniyang magkabilang balikat. She felt the warmth of his suit jacket against her bare back. Mas lalo niyang naamoy ang nakakaadik na panlalaki nitong pabango.
Tinaasan niya ito ng kilay na tila ba inuudyukan niya itong magpaliwanag.
"Baka lamigin ka," anang senador saka kinuha ang magkabila niyang mga kamay at marahang ipinatong ang mga iyon sa balikat nito.
Pagkatapos ay nag-alangan pa ito kung hahawak ba sa baywang niya o hindi kaya mahina siyang natawa.
"Are you shy, senator?" she teasingly asked.
Humugot ito ng malalim na hininga saka tuluyang humawak sa magkabilang baywang niya. Magaan lang iyon at parang halos ayaw pa siyang hawakan. Dulo lang ng mga daliri nito ang nakalapat.
Nag-iwas ito ng tingin saka tumikhim. "Hindi naman . . ." anito saka siya sinimulang isayaw. "It's just that you're wearing a distracting dress . . ."
Napangisi si Yana. "Is it effective? Nadi-distract ba kita?"
Napabalik ang paningin sa kaniya ng senador at tiningnan siya sa mga mata.
"No, you're not distracting me."
![](https://img.wattpad.com/cover/169183187-288-k264027.jpg)
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...