CHAPTER 3
NAMIMINTIG ang magkabilang sentido ni Yana nang magising. Tirik na tirik na ang araw at tumatagos ang sinag niyon mula sa floor-to-ceiling na bintana sa kaniyang kuwarto sa condo. Papasikat na ang araw kanina nang umuwi sila roon nina Jane at Ashton.
"I hate hangovers . . ." she muttered under her breath.
It took some time before Yana realized that she was alone in her room. Sa pagkakatanda niya ay katabi niyang matulog si Jane kanina ngunit wala na ito ngayon.
She yawned and stretched before she went out of bed. Pasuray-suray siyang naglakad papunta sa banyo. She was very sleepy, but her stomach was grumbling. Ramdam na ramdam niya ang acid sa kaniyang sikmura dahil na rin sa daming nainom na alak sa magdamag.
Halos tatlumpung minuto ang itinagal niya sa loob ng banyo. Nang lumabas siya ay nahimasmasan at hindi na masyadong masakit ang kaniyang ulo.
Napatingin siya sa pinto ng kuwarto nang bumukas iyon at sumilip mula roon si Jane.
Naabutan siya nitong nakasuot ng puting bathrobe at magtatanggal pa lang ng tuwalyang nakapulupot sa kaniyang buhok.
"O, gising ka na pala, e. Hangover?" tanong nito nang saktong nagtama ang kanilang mga paningin.
Naka-pajama pa ang kaniyang best friend pero mukhang kanina pa ito gising.
"Mej. Bakit?" tanong niya habang itinutuloy ang pagtatanggal ng pagkakapulupot ng tuwalya mula sa kaniyang basang buhok.
"Nagluto ako ng bulalo. Kakain na tayo."
"Bumili ka ng ingredients?" tanong niya nang maalalang wala siyang kahit anong matinong stocks sa fridge bukod sa mga chips at tubig.
"Oo. Ginising ko si Ashton kanina para bumili."
Napatangu-tango siya sa isinagot nito.
Sa kanilang tatlo ay si Ashton ang hindi uminom ng alak kaya wala itong hangover. Puyat nga lang dahil alas sinco na rin sila ng madaling araw kanina umawat.
"Kanina pa kayo gising? Sana ginising n'yo rin ako para nakatulong ako."
Bigla siyang na-guilty. Siya ang may-ari ng unit pero hindi niya inasikaso ang mga kaibigan niya.
"Ayos lang. Deserve mo naman matulog nang mahaba. Ikaw ang pinaka may tama kanina, e. Alak na alak 'yan?" natatawang anito.
Napailing at napakamot na lang siya sa batok.
"Anyways, sunod ka na lang sa dining after mo mag-ayos para makakain na tayo."
"Sige, sige. Saglit na lang 'to."
"Okay." Akmang isasara na ni Jane ang pinto nang bigla itong matigilan. "Ay, nga pala . . . you need to see something."
Napakunot ang kaniyang noo. "Ano 'yon?"
"Mamaya na lang pagkalabas mo. Sige, bye!" Jane replied before closing the door.
Naiwan siyang mag-isa habang nagtatakang nakaupo sa harap ng kaniyang dressing table. Nagpatuyo muna siya ng buhok bago nagbihis. Pagkalabas niya ng kuwarto ay naabutan niya sina Ashton at Jane sa dining area. Nakaayos na ang mga plato at kubyertos sa lamesa. May mga tasang may lamang kape at gatas na rin ang naroon para sa kanilang tatlo. Kape ang sa dalawa at sa kaniya naman ay mainit na gatas.
Kakatwang may sariling coffee farm at manufacturing business ang pamilya niya ngunit hindi siya fan ng kape—bukod sa coffee jelly.
Patakbo siyang pumunta sa kabisera at doon naupo. Napansin niyang may dyaro sa bakanteng espasyo sa tabi ng mug ni Ashton ngunit mas pinagtuonan niya ng pansin ang mug ng gatas na naroon sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...