CHAPTER 22
Lahat ng atensyon ay napunta kay Yana—lahat ay naghihintay sa isasagot niya. She shrugged.
"Well, if he insists . . ." pabirong aniya na ikinatawa ng lahat. "But he needs to rest and recover first,. Pagsisibakin ko pa siya ng kahoy at pag-iigibin ng tubig. He needs to be strong," dagdag niya pang hirit na mas lalong ikinatawa ng mga ito.
Kitang-kita ni Yana kung paano magpigil ng tawa si Nicholas dahil sa tahi nito sa tagiliran. He was biting his lower lip while stopping himself from laughing.
"I thought Nicholas is the one who was from an old-fashioned era. Ikaw pala 'yon, anak," biro din ni Kilian.
"Oh, well . . ." balewalang saad niya saka marahang tinapik-tapik ang ang balikat ni Nick. "No pressure, Nicholas. No pressure."
She stood up from her seat, after.
"OMG! You're calling him on his nickname na, Ate! Grabe! This is a huge improvement. I'm so kinikilig na!" impit na tili ni Empress. "Hindi ka na tatandang dalaga. I'm so glad!"
Napailing na lang si Yana dahil sa mga sinabi ng kapatid. Inilibot niya ang paningin sa paligid at kitang-kita niya kung gaano kasaya ang kaniyang mga naroon dahil sa planong panliligaw sa kaniya ng senador—lalong-lalo na ni Kilian.
Lihim siyang napabuntonghininga.
Of course, Dad will love it, she said at the back of her mind.
Muling bumigat ang kaniyang loob—hindi dahil sa selos, kundi dahil sa bagay na kaniyang napagtanto. Nicholas made his courtship official. If she would break the senator's heart, she would break their parents' heart, too.
Saglit siyang nagdalawang-isip sa kaniyang pinaplano, ngunit kailangan niya iyong pangatawanan hanggang dulo dahil naumpisahan na.
Tumikhim siya para kunin ang atensyon ni Nicholas.
"Do you wanna eat something? I can get you an apple if you want . . ." alok niya dahil kailangan niya ng diversion mula sa mga iniisip.
Nicholas nodded. "Yes. If that's okay with you."
"Of course. Wait for me here."
Nagpasalamat ang senador bago tumayo si Yana. Inignora niya ang pangangantiyaw ng mga taong kasama nila sa loob ng silid habang ipinagbabalat ng mansanas ang binata.
She went back beside the hospital bed with a saucer of sliced apple in her hand. Tinusok niya ng tinidor ang isang hiwa ng mansanas at iniumang iyon sa bibig ni Nicholas.
"Here, have some," aniya.
Hindi na itinago pa ni Nicholas ang malawak nitong ngiti. Tinitigan muna siya nito ng nakatutunaw bago kinagatan ang mansanas.
This is not fair! Bakit ang guwapo?
She hated to admit the truth, but the senator was really a handsome man.
"Does it taste good?" she asked. Nicholas nodded as an answer.
There was something in the way he looked at her in the eyes. It was like he was looking right through her soul. Parang anytime ay mababasa nito ang nasa isip niya—na nagkukunwari lang siya sa lahat.
Sandaling oras lang ang tiniis ni Yana dahil mabilis namang naubos ng senador ang mansanas. Saktong tumawag sa kaniya si Jane para mangamusta at ginamit niya iyong dahilan para makaalis. She told them that the call was work-related and she had to go.
Hindi niya na natagalan ang pangangantiyaw sa kanila ng senador at ang isang emosyong ayaw niyang pangalanan. Mabigat ang kaniyang loob nang umalis. T-in-ext niya si Nina para bigyan ito ng instructions patungkol sa pagpapalusot niya tungkol sa trabaho.
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...