CHAPTER 4
Pakiramdam ni Yana ay bumalik ang hangover niya dahil sa ilang oras na biyahe pauwi ng San Nicholas. Mabuti na lang at sinundo siya ni Kajo kaya hindi na niya kinailangang magmaneho pa.
"Tama lang na umuwi ka agad. Have you seen this? Baka sa kung saang dyaryo ka na naman mapa-headline bukas ng umaga," bungad sa kaniya ni Kilian pagkarating niya sa mansyon.
Kasalukuyan silang nasa living room. Inilapag ni Kilian sa coffee table ang pamilyar na tabloid na ipinakita rin sa kaniya kanina ni Ashton.
"Hello, Dad . . . It's nice to see you, too . . ." she sarcastically said. "Magkaiba po iyong umuwi sa pinauwi. Hindi pa nga kami tapos mag-bonding nina Jane, e." Napalabi siya. "And, yes. I've seen that already. Ashton showed it to me. It's not like I intended to be in the blind item with senator. The senator and I just danced and it wasn't even our first time dancing together. Seven years ago, wala naman pong gan'yan," dagdag niya saka umirap. "Good thing ay naayos naman na raw po 'yan ni Senator so, I think we should not be worried about it."
Nilapitan siya ng ama at niyakap.
"Marami pa namang next time, anak. Puwede naman kayong mag-bonding nina Jane sa ibang araw. At tama ka, hindi n'yo naman kasalanan ni Nicholas ang nangyari. But some people will make it a big deal. Mabuti na lang at naaksyunan agad, all thanks to him. Wala na talaga akong masasabi pa sa batang 'yon. He's very efficient and competent in everything."
Lihim na napairap si Yana sa narinig.
Here we go again. He's praising the senator too much . . .
"Yeah . . . Thanks to Senator Ybarra for his quick action," she said as she tried not to sound sarcastic. "Mabuti na lang at hindi rin masyadong detailed ang laman ng blind item article. Hindi nadamay ang pangalan ng company natin."
"I don't care about the name of our company. Ang pangalan mo, hija ang mas iniisip ko. Malicious at libelous ang laman ng article. The author didn't know you personally nor that reliable source para sabihan ka nang gan'on."
A warm hand touched her heart. Natutuwa siya sa tuwing ganito ka-protected sa kaniya ang ama. Ang inis na nararamdaman niya para sa senador ay nawala.
Hindi kalaunan ay napangisi siya.
"So, hindi ka po papayag na bansagan ako na socialite na ma-attitude kahit ma-attitude talaga ako, Dad?"
Napailing sa kaniya ang ama. "Hija, kahit ma-attitude ka ay ayos lang. Hindi na para ipangalandakan pa sa buong bansa. Hindi naman palaging gan'on. You are a kind and warmhearted person, you just have a lot of layers."
"Aww . . ." She was touched by what Kilian said. Niyakap niya ito pabalik nang mahigpit. "I love you, Dad. Thank you!"
"Bakit nagti-thank you ka, hija? It's my job to protect my family." Kilian gently tapped her back."Nga pala, We're having dinner at the Ybarra's later."
Bahagya siyang napahiwalay mula rito.
"Why, Dad?"
"Nicholas invited us. Maigi na rin 'yon para makapagpasalamat ako nang maayos sa aksyon na ginawa niya about the article."
Magrereklamo sana siya ngunit agad ding natigilan nang maalalang may utang na loob din siya sa senador. Pupuwede naman nitong hayaan na lang ang article pero talagang ipina-take down nito agad ang posts at pina-pull out lahat ng dyaryong na-print na naglalaman niyon.
Iba talaga 'pag maimpluwensya . . .
Bukod sa pagiging senador ni Nicholas ay may mga koneksyon din ito sa media dahil sa sarili nitong advertising company.
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...