Chapter 20

21.7K 338 25
                                    

CHAPTER 20

TANGHALI na nang bumalik sa ospital ang pamilya ni Yana para bisitahing muli ang senador. Ngunit hindi nila inasahang may maaabutan silang mga media sa entrance pa lang.

"Miss Yana, ano po ang masasabi n'yo sa nangyaring engkwento kahapon sa inyong nobyo at sa mga nanambang dito na hanggang ngayon ay hindi pa napapangalanan?"

"Miss Cervantes, is it true that you and Senator Ybarra are dating?"

"Miss Yana, may nakakita po sa inyong lumabas ng ospital kagabi kahit lampas na ang visiting hours. Gaano po iyon katotoo?"

Naghalo-halo na ang ingay ng mga reporter na namutakte sa kanilang mag-anak. Kaniya-kaniya ang mga ito nang pagtapat ng microphone at pagkuha ng litrato kay Yana. Wala siyang ibang nagawa kundi ang yumuko dahil ayaw niyang magpa-picture. Mabuti na lang at mabilis na naharangan ng security team ang mga ito kaya nakapasok sila nang matiwasay.

"That was insane! Artista ka na ba, Ate?" tanong ni Empress nang makarating sila sa loob.

Ngayon siya nagsisi na hindi sila dumaan sa VIP entrance.

"Insane indeed. What's happening ba kasi?" naiinis na tanong ni Yana habang patuloy sa paglalakad.

"I don't know exactly pero based sa mga tanong kanina, mukhang may nakakita kagabi na dumalaw tayo nang alanganing oras," ani Kilian kaya naman naglabas ng phone si Yves para tingnan kung ano ang laman ng balita.

"Oh my!" Yves gasped when she saw the showbiz headline. "Your dad is right. Look, kayo ni Senator Ybarra ang nasa headline."

Sina Empress at Kilian lang ang sumilip sa phone ng ginang habang si Yana ay nagpatiuna lang.

Napaka-OA talaga ng mga reporter na 'to! Pati personal na buhay ng senador, pinakikialaman.

Even though she hated Senator Ybarra, she felt bad for him.

Naospital na nga yung tao, gagawan pa ng issue . . . Grabe talaga! Pilipinas, napakahirap mong mahalin.

***

PAGKARATING sa kuwarto ng senador ay kabod na lang binuksan ni Yana ang pinto at laking gulat niya nang madatnang maraming tao sa loob. Labing-isang pares ng mga mata ang napatingin sa kaniya. Lahat ay agulat ang mga ito sa bigla niyang pagpasok.

Karamihan sa mga iyon ay pamilyar sa kaniya pero hindi niya alam ang mga pangalan. Ang tanging natitiyak lang ng dalaga ay karamihan sa mga iyon ay mga pinsan ni Nicholas.

"Oh, hi!" She waved her hand awkwardly. "Did I disturb you, guys? Sorry. Balik na lang ako . . ."

Nakangiting umiling si Nicholas.

"Hi, Yana! Not at all. Maupo ka muna," anito na agad namang sinegundahan ng pinsan nitong si Jarred.

"Tama, maupo ka rito sa tabi ni Kuya."

Binakante nito ang upuan sa tabi ng hospital bed ni Nicholas saka pinagpagan ang mismong cushion niyon.

A young woman with short hair and bangs gasped.

"Oh! So, you the Yana? OMG! Ate, you're so pretty sa personal!" she squealed.

"Sakit mo naman sa tenga, Yssa!" nakangiwing reklamo ng isang lalaki na sa tingin ni Yana ay nasa early twenties. Guwapo ito at matangkad.

Pinandilatan lang ito ng babaeng nagngangalang Yssa.

Sa totoo lang ay nanliliit siya sa height ng mga taong kasama nila sa silid. Kahit ang iba ay nakaupo, napansin niya agad na malalaking bulas ang mga ito. Nasa genes ang pagiging matangkad. Pupuwedeng magkaroon ng sariling basketball team ang mga kalalakihan, habang pupuwedeng sumali sa beauty pageant ang mga kababaihan.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon