Chapter 14

23.4K 370 24
                                    

CHAPTER 14

NAWALAN ng malay si Yana habang nasa daan sila pabalik sa mansyon. She was literally in pain and too overwhelmed with everything that happened.

It was three in the afternoon when she woke up in her bed. Ramdam na ramdam niya ang pagkirot ng mga sugat na kaniyang natamo mula sa pagtakbo kanina.

She sighed. She was now calm unlike earlier, but she was still affected of Carter's return. Hindi niya maiwasang mag-alala dahil napakaliit lang ng bayan ng San Nicolas para sa kanilang dalawa.

Nang dahan-dahang alisin ni Yana ang comforter na nakabalot sa kaniya, doon niya napagtantong nabihisan na siya ng malinis at tuyong pambahay. May gasa na ang kaniyang tuhod at may ilang band aid strips na rin ang kaniyang mga paa at talampakan.

Saktong bumukas ang pinto at iniluwa sina Yves, Nicholas, at isang babaeng medyo pamilyar sa kaniya ang mukha ngunit hindi niya maalala ang pangalan.

"O! Gising ka na pala, hija. Kumusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Yves kay Yana saka siya dinaluhan.

"I'm fine, Mom," garalgal na sagot niya saka sinubukang umupo sa gilid ng kama. Inalalayan naman siya ng kaniyang ina.

Si Nicholas ay nanatiling nakatayo sa pintuan habang si Yvette ay pumasok din. May mga dala itong gamit pangmedikal.

Saglit na nagtama ang mga tingin nila ng senador. Mababakas ang pag-aalala sa mga mata nito na tila ba may gustong sabihin ngunit sa huli ay bumuntonghininga na lang. He instead gave her an encouraging smile.

"Siya nga pala, hija, ito si Doctora Yvette. Pinsan siya ni Nicholas. She treated your wounds," pagpapakilala ni Yves kay Yvette.

She gave the doctor a faint smile. "Thank you, doc . . ."

"Can you tell us what happened earlier, hija? We're all worried about you," Yves said worriedly.

Saglit na napapikit si Yana. Iyon ang bagay na ayaw niya munang pag-usapan sa ngayon.

"Can we talk about it some other time, Mom? I want to rest and be alone, please . . ." she said in a weak voice.

Saglit na nagkatinginan ang tatlong kasama ng dalaga sa loob ng silid.

"Sige, anak. Kaso need munang i-check ni doktora ang vitals mo."

Tumango na lang si Yana para hindi na humaba ang usapan.

"Ahm . . . Tita Yves, Kuya Nick, is it okay po ba kung iwan n'yo muna kami ni Yana?" magalang na tanong ng doktora kaya napakunot ang noo ni Yana.

Nakakaunawang tumango naman ang dalawa saka sila iniwan sa kuwarto.

"Hi, Yana. Sana hindi ka mailang sa 'kin. Be comfortable, ha? Wala naman akong ibang gagawin sa 'yo. I'll just check your vitals," Yvette said in a gentle voice as she prepared the needed apparatus.

Tinanguan niya ito.

Kinuha nito ang mga unan niya at inilagay sa kaniyang gilid.

"Ipatong mo na lang dito yung braso mo." Tinapik nito ang ibabaw ng unan kaya sinunod niya ang doktor.

Yvette was a beautiful woman. Maputi, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, tuwid na tuwid ang buhok na para bang modelo ng isang hair conditioner brand, at matangkad at pang beauty queen ang hubog ng katawan. The woman was wearing a pair of gold-framed graded eyeglasses.

Yvette checked for her blood pressure. Habang kinukunan siya nito ng vitals ay tinatanong din siya nito ng mga bagay na dapat malaman ng isang doktor.

"Is it okay to ask where you got your wounds?" maingat nitong tanong.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon