CHAPTER 25
After the dinner, Yana immediately found her way to slip off from the crowd. Sakto kasing may mga lumapit kay Nicholas para kausapin ito kaya nakatakas siya.
She went to the garden and sat on the bench near the palm tree with fairy lights around it. Malamig ang simoy ng gabi at napakaraming bituin sa langit. Napapikit si Yana habang dinadama ang nakakakalmang huni ng mga kuliglig at kaluskos ng mga dahon sa tuwing hahampas doon ang hangin. Malayo sa ingay na mayroon sa loob ng mansyon.
Aayain sana ni Yana ang kapatid na sumama sa kaniya ngunit ito naman ang sunod na pinagkaguluhan ng mga pinsan ng senador. Dahil sadyang extrovert at friendly si Empress ay hinayaan niya na lang ito sa loob.
She will surely survive without me. Saglit lang naman akong mawawala . . .
She took some random photos of the garden and posted it on her Instagram story. Idinamay niya na rin ang pictures nilang tatlo nina Red at Blue kanina sa mall. She tagged the two. Ibinalik niya ang phone sa bag pagkatapos.
She was busy enjoying the night breeze while admiring the beauty of the night when she felt something warm covered her shoulders and back. Hindi man niya lingunin at tingnan ay alam na niya kung sino ang naglagay at kung ano ang inilagay sa kaniyang balikat. Amoy pa lang at tekstura ng nasa balikat niya ay alam na niya agad.
Hindi nagtagal ay may umupo sa kaniyang tabi.
"Why are you alone here? Hindi ka ba nag-enjoy sa party?" tanong ni Nicholas sa baritonong boses.
Gusto niyang matawa dahil iba ang definition niya ng party. Kapag nag-stay pa siya sa loob, dalawa lang ang maaari niyang kahinatnan—ang mamatay sa sobrang boredom o patuloy siyang hindi magiging komportable.
"I'm fine. Mas gusto ko rito," aniya saka inayos ang pagkakapatong ng itim na suit jacket sa kaniyang balikat. "Thank you rito," pagtukoy niya sa suit jacket "Nag-abala ka pang kumuha, ayos lang naman ako."
"Don't mention it. Baka lamigin ka."
"Thank you. Ibabalik ko na lang 'to mamaya."
Umiling ang binata. "No need."
Yana chuckled.
"Pangalawang suit jacket na 'to na galing sa 'yo. May balak ka bang ibigay sa 'kin lahat ng suit jacket mo?"
"Pwede rin basta you won't get cold when we're together."
"Sus, mag-aaksaya ka pa ng mga suit jacket. Pwede namang body heat na lang. Yakapin mo 'ko kapag magkasama tayo. Hina naman nito manligaw," pangangantiyaw niya.
Humagalpak ng tawa si Nicholas dahil doon.
"That sounds tempting, young lady, but I won't do that while courting you."
"Maka-young lady ka naman . . . Sabagay, old ka naman na," naiiling niyang saad. "I'm giving you permission to hug me, though. Ayaw mo pa? Minsan lang ako mag-offer. Sige ka . . ." biro niya.
"Saka na lang. Kapag sinagot mo na ako. Pero sa ngayon, hayaan mo muna akong ligawan ka nang tama—without taking advantage of you in any possible way."
Napanguso si Yana para pigilan ang napipintong pagngiti. Sa panahon ngayon ay kahit ang mga nagliligawan pa lang ay nagyayakapan na. Lihim siyang namangha sa sinabi ng senador.
"Hindi ka pa ba nanliligaw? Halos kulang na nga lang kanina ay subuan mo ako habang kumakain tayo!"
Natawa lang ang senador at hindi na nagkomento pa. Hindi kalaunan ay bigla itong tumayo at lumuhod sa harap niya. Yana gasped in shocked.
![](https://img.wattpad.com/cover/169183187-288-k264027.jpg)
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...