CHAPTER 5
Pinaghalong kahel, rosas, at lila ang kulay ng langit nang makarating sila sa mansyon ng mga Ybarra. Sa pribadong dirt road na nagkokonekta sa hacienda ng mga Cervantes at sa rancho ng mga Ybarra dumaan ang mag-ama para mas mapabilis ang kanilang biyahe dahil matindi ang traffic sa mga oras na iyon sa highway. Kakaunti lang ang mga ilaw sa kanilang dinaanan ngunit hindi naman delikado.
"Magandang gabi, Kilian at Yana! Mabuti at maaga kayong nakarating. Tuloy kayo . . ." Si Nancy ang sumalubong sa kanila sa door steps ng mansyon nito.
Nancy was a woman in her early sixties. Bagaman at may edad na, mahahalata pa rin na maganda ito noong kabataan. Binati at saglit siyang niyakap ng ginang nang makalapit ito sa kaniya.
"It was nice to finally meet you, hija. Pasensya ka na at hindi kita nalapitan kagabi. I was overwhelmed with the huge number of people. Hindi ako magkandaugaga sa pag-estima."
Umiling si Yana. "Naku! Wala po 'yon. Ayos lang po. Nagtago rin po ako kagabi. Si Dad po ang kumausap sa lahat. It was nice to meet you po."
Napatangutango si Nancy saka humiwalay mula sa pagkakayakap nito kay Yana. Marahan siya nitong tinapik sa likod.
"Napakaganda mo, hija. Wala pa bang nanliligaw sa 'yo?"
Kilian chuckled. "Paanong may manliligaw d'yan? Napakapihikan. Ang taas ng standards."
Natawa rin si Ginang Ybarra.
"Aba'y dapat lang! Sa ganda mong 'yan, hija, dapat ay maging mabusisi ka sa pagkilatis ng manliligaw. Kung hindi ka kayang ipagsibak ng kahoy at ipag-igib ng tubig ay 'wag mong i-entertain."
It was Yana's turn to laugh. "Naku! Mrs. Ybarra, we have stoves and water supply at home. Hindi na po kailangan."
"Tita Nancy na lang, hija . . ." nakangiting anito. "Iyon nga ang point. Kahit may stove at water supply kayo, ang dapat mong malaman ay kung willing ba ang manliligaw mong ipag-igib at sibak ka pa rin ng kahoy . . ."
"Thank you for the advice, Tita Nancy. Wala naman pong nanliligaw, 'wag po muna tayo mag-focus sa mga ganitong usapan . . ."
Nancy giggled. "We never know, hija . . ." makahulugang saad nito saka nagkibit-balikat. "Well, anyways, tama ka. Wala pa naman kaya 'wag muna nating pag-usapan," pagsang-ayon nito. "Kumusta ang biyahe n'yo? Mabuti at hindi kayo na-traffic."
"Diyan kami sa dirt road dumaan kaya walang traffic." Si Kilian ang sumagot.
"Ay gan'on ba? Mabuti kung ganoon. Tara na sa loob? Nasa taas pa sina Nicholas at Albert pero pababa na rin ang mga iyon. Patapos pa lang lutuin ang dinner. Pasensya na . . ." nahihiyang paumanhin ni Ginang Ybarra.
"Naku! Ayos lang, Nancy. We can wait."
Iginaya sila ng ginang papasok sa mansyon. Saktong pagkarating nila sa malawak na salas ay pababa naman ang mag-amang Ybarra sa grand staircase.
"O, iyan na pala sila, e," ani Nancy na napatingin din sa direksyon ng mag-ama nito.
Nagpalitan sila ng pagbati nang makarating ang dalawa sa kinatatayuan nila.
"Para nga po pala sa inyo," ani Yana saka itinuro ang fruit basket na bibit ng driver nilang si Kajo na kapapasok lang sa salas.
Napangiti si Nancy. "Naku! Ang sweet mo namang bata. Nag-abala ka pa. Maraming salamat dito, hija," Sinenyasan nito ang isang kasambahay na nakatayo sa malapit para ipakuha ang basket. "Maupo tayo," paanyaya ng ginang.
Itinuro nito ang three-seater couch.
Tumabi sa kaniya si Nancy saka marahan siyang hinawakan sa kamay.
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...