CHAPTER 37
Yana and Empress spent their day together. Si Nicholas ang sumundo sa kanila dahil maagang natapos ang official business nito.
Sinalubong si Yana ng mainit na yakap mula sa senador nang dumating ito at bumaba mula sa sasakyan. He had his men to put the a few shopping bags in his SUV. Nag-shopping sila nang kaunti ni Empress pagkatapos nilang pumunta sa coffee shop.
"Hindi mo naman ako na-miss n'yan?" tudyo ni Yana sa kasintahan na ikinatawa nito.
"I did, badly. Is it bad to miss my girlfriend?"
Yana lovingly leaned against the senator's chest, not minding that they were standing outside the mall.
"But it's been hours since we last saw each other. Wala pa ngang half day."
"It doesn't matter. I missed you every hour, minute, and second that we're not together."
Napangiti nang malawak si Yana saka tiningala si Nicholas. Tila natunaw ang kaniyang puso s tinuran ng nobyo.
"You really have a good self-control, then. We've been in a long-distance relationship for months now. How come you're still sane when we meet during the weekends?"
"The thought that we'll see each other again over the weekends helped me to stay sane through the week."
He kissed her on the temple and Yana's heart melted, again.
"Then how about you take me with you, and we live together happily?"
Napakunot ang noo ng senador saka siya marahang itinulak palayo mula rito.
"Yana," he warned her. "You know that I'm very serious about you and our relationship. I won't take you to my home like that, unless we're sharing the same surname."
Yana laughed and playfully winked at the senator.
"Then make my surname same with yours. I still have a lot to unpack, but I'm ready."
Natulala ito sa sinabi niya. She chuckled and took the change to mount his SUV's shotgun seat.
Pinag-isipan niya iyon sa mga nakalipas na linggo. Hindi niya inakalang darating ang araw na papangarapin niyang maging kabiyak ng lalaking noon lang ay kinaiinisan at pinagseselosan niya. She wanted to be a wife of a man like Nicholas. Pero bago iyon, ipagtatapat niya muna ang mga dapat niyang ipagtapat. Mamaya niya balak sabihin pagdating nila sa mansyon ng mga Cervantes.
"Ang sweet n'yo naman. Pati po yata langgam, mahihiyang lumapit sa sobrang sweet n'yo ni Kuya, Ate," kinikilig na ani Empress na kanina pa sila pinapanood mula sa bintana ng backseat ng SUV. Nauna na ito sa loob.
Nginitian niya ang nakababatang kapatid mula sa rear mirror. Tumikhim siya pagkatapos ng ilang sandali.
"Hindi ba masakit ang tahi mo? Let's clean it when we get home."
Umiling ito saka siya binigyan ng thumbs up.
"Hindi naman po sumakit ngayon, Ate. Sige po," pagpayag nito sa sinabi niya.
Saktong pumasok naman si Nicholas at naupo sa driver's seat. Nakangiti nitong binuhay ang makina ng sasakyan saka siya kinabitan ng seatbelt. Nagkabit din ito ng para sa sarili at pinaalalahanang magkabit din ng seatbelt si Empress bago nito pinasibad ang sasakyan.
Buong biyahe ay halos hindi bitawan ni Nicholas ang kaniyang kamay habang pakanta-kanta ito. Binibitawan lang nito ang kaniyang kamay sa tuwing magpapalit ito ng gear.
Bukas na ang gate nang dumating sila sa tapat mansyon nina Yana.
Dumiretso ng pasok sa loob ang sasakyan ng senador. Napakunot ang noo ni Yana nang makita ang pamilyar na ginang sa entrada ng mansyon nila kasama ng mga magulang nila. Laking gulat niya nang itinulak ito ng kaniyang mommy kaya napasalampak ito sa malamig na semento ng kanilang doorway.

BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...