CHAPTER 6
"Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa 'yo, hijo . . . Salamat sa mabilis na pag-aksyon mo roon sa article," pasasalamat ni Kilian kay Nicholas pagkaupo nilang lahat sa hapag. "Muntik na akong mag-press ng charges doon sa sumulat, e. Napakagrabe ng press ngayon. Kahit kaunting bagay ay nilalagyan ng malisya. Masyadong exaggerated ang pagbabalita," naiiling na dagdag pa nito.
"Wala po 'yon. Tito. Hindi na rin po kayo iba sa 'min. Hindi namin hahayaang may kumalat na article na gan'on tungkol kay Miss Cervantes. At isa pa, nakakahiyang sa event pa po namin nangyari 'yon. I apologize for that."
"Wala ka dapat ihingi ng paumanhin, hijo. Hindi mo naman kasalanan . . . Sadyang hahanapan at hahanapan ka lang nila ng issue dahil wala silang maipukol tungkol sa pagiging mabuti mong senador. Mandadamay at mandadamay sila ng ibang tao . . ."
"Iyon nga rin ang iniisip namin . . . Pinpaimbestigahan naman na kung sino ang source n'ong writer na sumulat ng article. Sana ay malaman na kung sino ang nagpasimuno ng issue," ani Nancy saka napabuntonghininga.
"Hayaan na muna natin ang mga bagay na 'yan. Kumain na muna tayo at baka lumamig na ang pagkain," saad ni Albert saka naglahad ng kamay sa mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan.
Akmang kakainin na sana ni Yana ang appetizer na nakahain nang muling magsalita si Albert.
"Nicholas, hijo, kindly lead the prayer," anito kaya pasimple niyang ibinaba ang kubyertos na hawak.
Tumango naman ang senador at tumikhim. "Okay, let's close our eyes and bow our heads . . ."
Walang nagawa si Yana kung hindi ang yumuko rin kahit pa minsan-minsan lang siya magdasal bago kumain—kapag naalala niya lang . . .
"Heavenly Father, we thank You for this opportunity that You have given us to gather and eat together. Salamat po sa mga issue-ng naresolba agad, sa lahat ng provisions and favors N'yo sa amin sa araw na ito. Sa safety and good health po ng bawat isa, salamat po. We raise to You our food tonight. May You bless and cleanse all of the food in this table. Nawa'y maging sustansya at kalakasan po ang mga ito sa aming katawan. May we also enjoy each other's company tonight. We bring back all the glory and honor in the mighty name of Your Son, Jesus. Amen . . ."
Agad na napatingin si Yana kay Nicholas na katapat niya lang pagkatapos nitong magdasal. Bihira siya makarinig ng ganoong klaseng prayer. Usually ay generic prayers lang ang naririnig o inuusal niya bago kumain kaya hindi niya maiwasang manibago.
"Let's eat," paanyaya ni Ginang Ybarra saka tumingin sa kaniya. "Balita ko ay paborito mo ang ginataang alimasag kaya ipinagluto kita. Tikman mo, masarap 'yan, hija . . ." anito kaya naalis ang tingin niya sa senador at napunta ang kaniyang atensyon sa ginang.
"Naku! Nag-abala pa po kayo. Salamat po . . ."
"Hindi ka abala, hija . . . Kung hindi ka busy sa trabaho ay welcome kang pumunta rito at ipagluluto kita ng mga paborito mo."
"That's so thoughtful of you, Tita Nancy. Sige po, hindi po ako tatanggi. Salamat po," labas sa ilong na sagot ni Yana. Wala siyang balak bumalik sa mansyon ng mga Ybarra kung hindi naman required.
Habang kumakain sila ay hindi na muling nagsalita pa si Yana. Masyado siyang busy sa paghihimay ng alimasag para makisali sa usapan ng mga kasama niya. At isa pa, puro pamumuri sa ginawang damage control ng senador sa article lang ang kaniyang naririnig.
Mabuti na lang at may ginataang alimasag kaya wala siyang panahon para mainis o magselos sa pagiging proud ni Kilian kay Nicholas.
Pagkatapos nilang kumain ay saka lang i-s-in-erve ang wine na dala ni Yana. She waited for the senator's reaction when he took a sip from his wineglass. To her dismay, ni hindi man lang ito ngumiwi sa lasa ng alak na ininom.
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...