CHAPTER 19
MABILIS ang naging biyahe nina Yana pauwi sa kaniyang condominium unit mula sa ospital dahil pasado hatinggabi na at wala nang traffic.
"Sa Linggo ng hapon na lang tayo umuwi sa Agura . . ." ani Kilian nang magpa-park na si Kajo ng sasakyan sa usual parking spot ni Yana.
Napatingin silang tatlo sa haligi ng tahanan.
"Sige, kung walang kailangang tapusin si Yana na trabaho . . ."
Tumingin sa kaniya si Yves saka hinawakan ang kaniyang kamay at tila hinihintay ang kaniyang sagot.
"Ayos lang naman po sa 'kin, Mom," aniya dahil pagod na rin siyang bumiyahe nang malayo.
Gusto niyang ma-enjoy ang pahinga ngayong weekend. Tapos naman na ang mga trabaho niya.
"Good . . ." tumatangu-tangong ani Yves bago lumingon kay Empress. "Sweetheart, ikaw ba? May need ka pa bang gamit para sa pasukan? Para mabili na natin dito sa Maynila."
"I'm good, Mom. Nabili na po natin lahat ng nasa list ng mga gamit na binigay ng admissions. Maybe after our first day of class na lang po tayo mamimili kung may need pa pong idagdag."
"Okay, great!"
Pumalakpak si Yves.
"We're all good. Sunday afternoon na lang tayo umuwi."
"Sige. Thank you, girls . . ." tumatangong saad ni Kilian saka sila nagsipagbabaan mula sa sasakyan.
Pagkarating nila sa kaniyang unit ay agad na naramdaman ni Yana ang matinding pagod sa nagdaang maghapon. She took a quick bath and immediately dozed off without letting her hair dry.
Napailing si Empress nang makitang kabod na lang dumapa sa kama ang kaniyang ate. Nakaramdam siya ng awa para sa kapatid. Halos hindi sila nakapag-usap buong linggo dahi sa dami ng mga trabaho nito, tapos ngayon ay napaluwas pa nang wala sa oras dahil sa nangyari sa senador.
Nagbuntonghininga si Empress saka tumayo mula sa kinauupuang couch. She went to the bathroom and got a dry spare towel for Yana. Tinuyo niya ang buhok ng kapatid bago siya naligo.
Ni hindi man lang ito nagising habang ginagawa niya iyon.
Sleep well, Ate. You deserve it.
***
ALAS otso ng umaga nang nmagising si Yana. Wala nang bakas ni Empress sa tabi niya kaya naisip niyang baka nasa labas na ito. She did her morning rituals before she went out of her room.
At katulad nga ng kaniyang inaasahan ay nasa salas na si Empress, nanonood ito ng isang Disney movie sa nakabukas na telebisyon.
"O, anak! Gising ka na pala!"
Si Yves ang unang nakapansin sa kaniya mula sa kusina.Nakasuot ito ng pink na apron at may hawak na isang platter ng bagong sangag na kanin. Pinanood niya kung paano nito ipinatong ang hawak sa dining table kung saan nakahain na rin ang iba pang mga pagkain.
Tamang-tama lang ang gising niya para sa almusal.
"Good morning, Mom!" bati niya saka ito nilapitan at niyakap. "Ang bango naman niyan, Mom. Nakakagutom po . . ." aniya pa habang nakadungaw mula sa balikat ng ginang.
Yves chuckled. "Umupo ka na, hija. Kakain na tayo pamaya-maya. Tapusin ko lang 'to."
"Tulungan na po kita, Mom," she offered but her mother refused.
"Ayos lang. Kaya ko na 'to. Magpahinga ka lang d'yan."
"Okay," she nodded.
Kumalas si Yana mula sa pagkakayakap kay Yves saka naupo sa ikalawang upuan mula sa kanan ng kabisera. Nilingon niya ang direksyon ng salas pagkatapos makaupo nang maayos.
![](https://img.wattpad.com/cover/169183187-288-k264027.jpg)
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...