CHAPTER 23
Tinitigan lang ni Yana ang screen ng phone hanggang sa mawala ang pangalan ni Nicholas doon. Wala siya sa mood magpanggap ngayong gabi. She had a very long and tiring day. Wala na siyang energy para makipag-usap nang malambing sa senador.
She tossed her phone on the couch as she got up. Pumunta siya sa kinalalagyan ng wireless telephone sa kaniyang silid para i-dial ang number ng telephone sa kusina. It took a few rings before someone answered it.
"Hello?" anang pamilyar na boses mula sa kabilang linya.
"Hi, Manang. Can you get me my favorite wine from the cellar po? Saka wine glass din po. Paki akyat na lang po dito sa kuwarto. Thanks, Manang."
"O, sige, hija. Pero kumain ka na ba ng hapunan? Ipag-aakyat din kita ng pagkain. Kumain ka muna bago ka uminom . . ."
Hindi na nakipagtalo pa si Yana kahit wala talaga siyang ganang kumain.
"Okay, Manang. Kaunti lang pong food, a? I don't have an appetite to eat. I'll leave the door unlocked. Ipasok n'yo na lang po sa loob yung food and wine. I'll just take a bath."
"Sige, hija. Ako ang bahala."
"Thanks, Manang. You're the best!"
Yana went to the bathroom after the call. She treated herself with a warm bubble bath to ease the tension on her back. Tumagal siya ng thirty minutes sa loob at nang lumabas siya ay ang mabangong aroma ng pagkain ang sumalubong sa kaniya. Maya already prepared her dinner and wine.
Nakaramdam siya ng gutom kahit pa sinabi niya kaninang wala siyang gana. Nilantakan niya ang pagkain at ininom ang wine.
While Yana was enjoying her wine, the memories from the scene at the elevator filled her mind. Kahit pa ipinakita niyang wala lang sa kaniya iyon ay hindi niya maikakailang may kumirot sa kaniyang damdamin nang marinig ang mga iyon mula sa mga empleyado ng kanilang kompanya.
Until when could she play cool and pretend that she was not affected with every vile word that people threw at her?
Sa matinding ag-iisip ay hindi niya namalayang halos maubos na pala niya ang isang bote ng wine. She was light-headed when she stopped from drinking and got her phone from the couch.
Dalawang missed calls at isang text mula kay Nicholas ang agad niyang napansin. May texts din mula kay Kilian ngunit mas nag-focus siya sa text ng senador.
Kunot-noo niya iyong binasa sa namumungay na mga mata.
"Are you asleep already? Rest well. Just want to check on you. Text me when you wake up. Good night, Yana," Yana read it out loud and scoffed. "Check on me? Wow! After a week ngayon ka lang mangungumusta? Good night mo mukha mo!" she slurred.
Naiinis niyang i-d-in-ial ang number ng senador na agad namang sumagot pagkatapos ng dalawang ring. Mukhang nakaantabay talaga ito sa phone.
"Hello, Yana? Kumusta?" anito sa malambing na tono.
A part of Yana missed his voice, but she would not admit it.
Imbes na sagutin ang pangungumusta ng binata ay umingos si Yana. Ttinapat niya ang bibig sa mouth piece ng phone saka doon sumigaw.
"I hate you! I hate you so much!" she poured out in frustration.
Hindi rin alam ng dalaga kung saan siya frustrated—kung dahil ba sa hindi nito pagpaparamdam ng ilang araw o dahil sadyang lumabas lang ang itinatago niyang sama ng loob sa binata dahil sa kaniyang kalasingan.
"I hate you . . ." Ang kanina ay frustration lang ay nauwi sa pag-iyak.
Inis na pinahid ni Yana ang mga luha mula sa kaniyang pisngi. She was really drunk to even control her emotions.
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...