CHAPTER 16
HINDI pa man natatapos ang linggo ay pagod na pagod na si Yana dahil sa dami ng mga trabaho. Akala niya ay natapos na noong kasagsagan ng coffee ad project lang siya makakapag-overtime, ngayong linggo rin pala.
Kung alam niya lang na ganiyon ang magiging sistema, sana ay nag-work from home na lang siya kaysa nagmukmok.
Hindi na ako uulit mag-leave nang matagal. Never again . . .
It was almost eight in the evening when Yana came home. Naabutan niyang nabukas ang telebisyon sa salas habang naroon ang kaniyang ina na tila ba siya talaga ang hinihintay.
Nang magtama ang kanilang paningin ay binigyan niya ito ng isang pagod na ngiti. Halos kinaladkad niya na lang ang sarili pauwi dahil sa sobrang pagod. Nagpasundo na lang siya kay Kajo dahil hindi niya kayang mag-drive pa.
"Welcome home, anak. Kumusta ang trabaho? Mukhang pagod na pagod ka, a?"
Sinalubong siya nito ng mainit na yakap pagkatapos niyang magpalit ng pambahay na tsinelas. Tunay ngang iba talaga ang yakap ng isang ina. Nakagagaan at nakakabawas ng pagod. Pakiramdam niya, kahit paano ay na-recharge siya.
"Too tired, Mom. Grabe, nagtambak po ang mga trabaho sa opisina."
Kumalas ang kaniyang ina mula sa pagkakayakap sa kaniya at marahang hinaplos ang kaniyang buhok.
"Kawawa naman ang panganay ko. Halika, maupo ka muna nang makapagpahinga ka."
Inakay siya nito sa papunta sa three seater couch saka siya roon pinaupo. Doon niya lang naramdaman ang matinding pagrereklamo ng kaniyang katawan mula sa maghapon na trabaho.
"Si Dad, Mom?"
"Nasa study room niya. May kausap na foreign investor sa phone."
"Ah . . . okay." Napatangu-tango siya.
"Do you want some tea or do you want to eat already?" tanong sa kaniya ni Yves habang marahang hinahagod ang kaniyang likod.
They usually eat dinner at seven in the evening. Ngunit dahil alam niyang gagabihin siya sa opisina ay pinauna na niya ang mga itong maghapunan.
"A tea will do, Mom. Mamaya na lang po ako kakain. Magpapahinga po muna ako."
"Alright. I'll make you some tea. Magpahinga ka lang muna rito habang naghihintay."
Nginitian siya ni Yves at marahang tinapik sa balikat bago ito naglakad paalis.
"Thanks, Mom. You're the best!" pahabol ni Yana saka nag-flying kiss sa nakatalikod na ina.
Kapwa sila natawa nang lumingon si Yves at sinalo iyon bago tuluyang nagtungo sa kusina.
Humiga si Yana sa couch dahil hindi niya na talaga kaya ang sakit ng likod at ng kaniyang mga binti. Kanina niya pa gustong gawin ang bagay na iyon sa opisina ngunit hindi niya magawa dahil sa dami ng mga trabaho.
Nasa ganoong posisyon siya nang makita ang mukha ni Nicholas sa television screen. Kasalukuyang ipinalalabas ang isang video footage ng senate meeting sa news. At dahil mahina ang volume ng telebisyon ay inabot niya ang remote para lakasan iyon.
Muted ang footage ngunit nagsasalita naman news anchor.
"Patuloy pa rin ang pagdinig sa senado hinggil sa overpriced projects ng DPWH dahil sa pagguhong naganap sa isa sa mga skyway na labis na pinagkagastusan ng naturang departamento, ilang linggo na ang nakararaan . . ."
Imbes na patuloy na makinig sa balita ay mas nag-focus siyang sipatin ang guwapong mukha ng senador dahil dito nakatapat ang camera.
The senator looked dashing in his suit. Ang seryoso nitong ekspresyon habang nagsasalita ay nakadagdag sa appeal nito. Bihira niyang makita ang senador na seryoso dahil madalas itong nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/169183187-288-k264027.jpg)
BINABASA MO ANG
The Politician: Nicholas Ybarra
ChickLit[REVISION COMPLETED] Ylyana Cervantes is living the life that anyone wants to have . . . but why is she still jealous of the handsome politician, Nicholas Ybarra who does nothing but admire her from afar? *** Yana always gets what she wants except f...