Chapter 13

21.5K 373 11
                                    

CHAPTER 13

"Bakit nagmamadali kang umalis, Yana? Hindi man lang ba tayo magka-catch up man lang?" tanong ni Carter nang makita siyang nagmamadaling naglakad papunta sa kubo kung nasaan ang tuyo niyang mga damit.

Seriously? Saan mo hinuhugot 'yang kapal ng mukha mo para sabihin 'yang bagay na 'yan?

Nang akmang susundan siya ni Carter ay pinanlisikan niya ito ng tingin at dinuro.

"'Wag kang lalapit! D'yan ka lang!" asik niya kay Carter na mukha namang nagulat kaya ito natigilan.

Nawala ang ngisi sa mga labi nito saka nagtaas ng dalawang kamay.

"Easy . . . Wala naman akong gagawing masama sa 'yo," depensa nito ngunit hindi niya iyon pinansin.

Padabog na kinuha ni Yana ang bestida saka mabilis na naglakad paalis. Kung alam niya lang na darating si Carter ngayon at manggugulo sa nananahimik niyang buhay ay sana pala ay nagpasama na lang sila ni Empress sa mga bodyguard doon sa mismong talon. Ngayon niya pinagsisihan na pinaiwan niya ang mga ito roon sa bukana dahil ayaw niyang may nagmamasid sa kanila.

"Yana, wait up! Mag-usap muna tayo. Gusto kong bumawi sa 'yo."

Mabilis siyang sinundan ni Carter kaya halos tumakbo siya, huwag lang siya nitong maabutan.

She even forgot to wear slippers. Nakayapak siyang tumatakbo sa daang puno ng mga tuyong dahon, sanga, matatalas na bato, nakausling ugat ng mga puno, at mga damong ligaw.

Ramdam na ramdam niya ang pagtusok ng mga matatalas na bagay sa kaniyang talampakan, ngunit hindi na niya iyon ininda basta makalabas lang siya sa masukal na gubat na kanilang kinaroroonan.

But Carter was too fast and caught her arm. Iyon ang dahilan kung bakit siya napatili.

"Don't touch me! Don't touch me!" naghi-hysterical niyang hiyaw habang pilit na pumipiglas mula sa kapit ng binata.

"Hey, hey . . . Calm down. I won't do anything bad, I promise," he said gently and sincerely.

Itinaas pa nito ang libreng kamay, tanda ng pangako ngunit marahas siyang umiling.

Nagsimula nang magtubig ang kaniyang mga mata. Ylyana Talavera Cervantes was never a cry baby. Hindi lang standards niya ang kasing taas ng Eiffel Tower kundi pati na rin ang kaniyang pride. Ayaw niyang may nakakikita ng kaniyang kahinaan.

Ni hindi siya umiyak noong araw na naghiwalay sila ni Carter at noong nangyari ang mga bagay na ayaw niya nang balikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya madaling paiyakin ngunit dahil sa matinding takot na nararamdaman sa mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilang maiyak.

At alam iyon ni Carter kaya muli itong natigilan. May dumaang sakit sa mga mata ng binata ngunit hindi iyon napansin ni Yana. Mapuwersa niyang binawi ang braso mula rito nang lumuwag ang pagkakakapit nito sa kaniya. Iyon ang naging dahilan upang mabuwal siya sa lupa at tumama ang tuhod niya sa matalas na bato.

She yelped in pain. When she looked at her knee, she saw a lot of blood. May malaki at mahaba siyang sugat doon.

Natanaw niya rin ang paa niyang may mga maliliit na galos dahil sa mga naapakang matutulis na bagay habang tumatakbo.

Nag-panic si Carter nang makita ang sugat niya kaya nag-alok ito ng tulong ngunit imbes na abutin ang kamay nitong nakalahad ay umusog siya palayo.

"Umalis ka na! Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

Masagana ang pag-agos ng mga luha ni Yana habang pinipilit tumayo. Wala na sa ayos ang strap ng suot niyang spaghetti top at maging ang pagkakabalot sa kaniya ng tuwalya.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon