Chapter 36

18K 243 24
                                    

CHAPTER 36

Yana cried until the well of tears in her eyes dried up. Maingat lang siyang niyakap ni Nicholas hanggang sa tumahan siya. He had been her emotional support since she woke up in the hospital and she was thankful for that.

"P-paano mong nalaman na nasa labas ako?" tanong niya sa senador nang kumalma siya.

Dahil sa makailang beses na pag-iyak ay medyo namaos na ang boses ng dalaga.

"I heard you from the restroom when you dragged your IV stand. Sinundan kita."

Napatangu-tango si Yana sana tipid na nginitian ang kasintahan.

"Thank you sa pagsunod sa 'kin sa labas . . ."

Kung hindi siya nito sinundan ay baka nabuwal na siya sa sahig.

"Thank you for always being right there whenever I need you the most. Your timing never failed," she said when she realized that.

Palaging naroon si Nicholas para sagipin siya o pagaanin ang sitwasyon. She really felt bad for plotting bad plans to hurt him before. The man was really good.

He gave him an assuring smile as he gently stroked her back.

"Nandito lang ako para sa 'yo, palagi. Hindi kita iiwan," anito habang sinserong nakatingin sa kaniyang mga mata.

His sincerity moved Yana.

"N-narinig mo ba yung usapan nila Daddy?"

Tumango si Nicholas.

"A-ayos lang s-sa 'yo na may possibility na—"

"Ano man ang katotohanan, tanggap kita. Mahal kita. Walang magbabago."

Her heart melted.

"You're too good to be true. What did I do to deserve you?"

Mahinang natawa ang senador dahil sa kaniyang sinabi.

"Pang-ilang beses mo nang sinabi 'yan. You didn't do anything. God did. He made our paths crossed. He wrote our story."

Yana sighed. Napayuko siya at bahagyang nilaro ang dulo ng kumot gamit ang kamay niyang may suwero.

"I-if God is the author of our lives, can you please tell Him to stop the pain? Kasi sobrang masakit na. H-hindi naman sa nagrereklamo ako . . . pero kasi . . . puwede bang isa-isa lang?" aniya sa basag na tinig. Nagsimula na namang manggilid ang kaniyang mga luha.

Masaya siyang dininig ng Diyos ang kaniyang panalangin tungkol sa kaligtasan ni Empress ngunit bakit tila ang sakit naman ng balik sa kaniya? Bakit kailangang magkakasunod na sakit ang maramdaman niya sa iisang araw?

"Why don't tell Him that? He always listens," Nicholas answered her.

Nais mang kontrahin ni Yana ang huling sinabi ng nobyo ay hindi niya magawa dahil may mga dasal siyang sinagot ng Diyos.

Umiling siya.

"P-puwedeng ikaw na lang? Mas malapit ka kay God, e. S-saka pagod na ako . . . Masyado akong napagod sa araw na 'to. Puwede bang magpahinga muna ako? O-okay lang bang hindi ko Siya kausapin ngayon? Magagalit ba siya?"

Nicholas gave her a faint smile before he stood up from the hospital bed.

"Gusto mo ng tubig? I'll get you some," he offered instead of answering her questions.

Imbes na mangulit pa ay tinanguan niya ito. Kumuha ang senador ng baso saka iyon pinuno ng tubig mula sa water dispenser. He went back and handed her a glass with lukewarm water. Dahan-dahan niya iyong ininom. It soothed her sore throat. It somehow helped her to calm down.

The Politician: Nicholas YbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon